BREAKING NEWS

DPWH officials hihingan ni Vince Dizon ng courtesy resignation

DPWH officials hihingan ni Vince Dizon ng courtesy resignation
Vince Dizon

IPAG-UUTOS ni bagong Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng opisyal ng kagawaran sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian.

Ayon kay Dizon, sakop ng ilababas niyang memorandum ang lahat ng undersecretaries, assistant secretaries, division chiefs, regional directors at district engineers.

Aniya ang matatanggal sa puwesto ay papalitan sa loob ng 30 hanggang 60 na araw.

Binanggit ng kalihim ang nabunyag na "ghost control flood-control project" sa Bulacan na binayaran ng gobyerno.

"Papaano po nabayaran ang isang proyekto na wala naman talaga? Mayroon pong tao sa DPWH na nagpabayad doon. 

Ang utos ng ating Pangulo, hanapin iyong mga iyon at tanggalin sa puwesto at kasuhan," aniya.

Bukod dito, "lifetime blacklisting" ang gagawin ni Dizon sa mga contractor na mapapatunayang sangkot sa guni-guni o palpak na mga proyekto.

The post DPWH officials hihingan ni Vince Dizon ng courtesy resignation appeared first on Bandera.


DPWH officials hihingan ni Vince Dizon ng courtesy resignation DPWH officials hihingan ni Vince Dizon ng courtesy resignation Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close