BREAKING NEWS

Vice napa-throwback sa 2014 song, tungkol sa korapsyon: ‘Applicable pa rin!’

Vice napa-throwback sa 2014 song, tungkol sa korapsyon: 'Applicable pa rin!'
PHOTO: Facebook/Vice Ganda

MULING bumira si Vice Ganda sa social media at pinatamaan ang mga buwaya sa gobyerno.

Sa latest Instagram Story, ibinandera ng TV host ang 2014 song niya na pinamagatng "Aba Matindi."

Maaalalang ini-release ito noon ni Vice upang talakayin ang mga isyu ng korapsyon sa ating bansa.

"Recorded this song about corruption in 2014. 11 years after, applicable pa din. At mas masahol pa," sey niya, kalakip ang hashtag na "Aba Matindi."

Baka Bet Mo: Vice Ganda nagtitipid sa London: 'Naalala ko bigla mga garapal na magnanakaw!'

Walang binanggit ang komedyana kung para kanino mismo ang kanyang patama, pero makikita ang animated cartoon ng isang lalaki na nakalusong sa baha at tila hinahabol ang isang bangka.

Vice napa-throwback sa 2014 song, tungkol sa korapsyon: 'Applicable pa rin!'
PHOTO: Instagram Story/@praybeytbenjamin

Magugunitang mainit na pinag-uusapan ngayon ang lifestyle check sa ilang opisyal ng gobyerno at contractor, kasunod ng umano'y anomalous na multimillion-peso flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

​​Lumabas kasi sa imbestigasyon na ilang construction firms na malapit daw sa mga kilalang political names ang dawit sa pinakamalalaking proyekto.

Dagdag pa diyan, trending din ngayon ang mga anak ng ilang opisyal ng gobyerno na todo-flex ng kanilang marangyang pamumuhay o lavish lifestyle sa social media.

Kamakailan lang nang ibandera ni Vice ang kanyang sama ng loob tungkol sa milyon-milyong buwis na ibinabayad niya na napupunta lang sa maling kamay.

Ibinahagi niya na super tipid siya habang nagbabakasyon sa London at biglang bumanat ng, "Tapos bigla kong naalala 'yung milyon-milyon kong tax na pinaghahatian ng mga garapal na magnanakaw," sambit niya.

Aniya pa sa uli, "Aray ko!" 

The post Vice napa-throwback sa 2014 song, tungkol sa korapsyon: 'Applicable pa rin!' appeared first on Bandera.


Vice napa-throwback sa 2014 song, tungkol sa korapsyon: ‘Applicable pa rin!’ Vice napa-throwback sa 2014 song, tungkol sa korapsyon: ‘Applicable pa rin!’ Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close