Marikina City police chief sinibak sa sex assault case ng babaeng pulis

TINANGGAL sa puwesto ang hepe ng Marikina City Police dahil sa ginawa umanong kahalayan ng dalawa sa kanyang mga tauhan sa isang babaeng kabaro.
Si Eastern Police District director, Brig. Gen. Aden Lagradante ang nag-anunsiyo sa "administrative relief" kay Police Col. Geoffrey Fernandez.
Ayon kay Lagradante aalamin kung may pagpapabaya sa bahagi ni Fernandez hinggil sa nangyari sa babaeng-pulis.
Sinabi nito na noong Agosto 17, niyaya ang biktima ng kanyang dalawang kapwa pulis, isang staff sergeant at isang patrolman, na mag-kape.
Ngunit sa loob ng police car ay ginawan na ng kahalayan ang babaeng pulis.
Makalipas ang 10 araw, pormal na inireklamo ng biktima ang dalawang kasamahan at inalis bago dinisarmahan ang mga ito.
The post Marikina City police chief sinibak sa sex assault case ng babaeng pulis appeared first on Bandera.

No comments: