Sid naiyak sa super proud sa ‘Alon ng Kabayanihan’; Carlo, Ryza saludo sa Navy

"I DON'T think I ever felt this proud of anything I've ever done!" sey ni Sid Lucero habang naiiyak matapos mapanood sa big screen ang launching ng short film na "Alon ng Kabayanihan."
Sa naganap na talkback session noong National Heroes Day, inalala ni Sid ang naging experience sa paggawa ng pelikula.
Para sa mga hindi aware, ang short film ay isang pagpupugay sa kwento ng ating mga sundalo at mangingisda, mga tunay na bayani na ipinaglalaban ang katotohanan tungkol sa West Philippine Sea.
At ang ginagampanan ni Sid diyan ay bilang isang mangingisdang apektado ng tensyon sa WPS.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: CIRIS bagong watchdog laban sa disinformation sa WPS
Pagmamalaki niya matapos tanungin ang reaksyon niya rito, "I don't think I ever felt this proud of anything I've ever done. I'm really happy my mom's here!"
Dagdag niya, hindi na niya itinuring na simpleng proyekto ang pelikula nang makausap niya ang mga totoong sundalo at mangingisdang nakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa dagat.
"Pagdating mo doon, it is not a joke," sambit niya.
"Past four or five years, I've been concentrating on mental health awareness on most of my films, even on TV. If you look at my entire career, this is probably the most important one," kwento pa niya.
Samantala, kapwa ipinahayag nina Carlo Aquino at Ryza Cenon ang kanilang mas mataas na respeto at paghanga sa Philippine Navy at iba pang uniformed personnel matapos ang kanilang immersion para sa pelikula.
Si Carlo na gumanap bilang AFP officer ay nagbahagi ng karanasan sa pakikipag-usap sa mga sundalo at mangingisda.
"'Yung totoo, 'yung threat, 'yung harassment doon na everyday hindi nila alam kung makakalabas ba sila doon ng buhay…so if that doesn't give you fuel, fire para ipaglaban kung ano 'yung para sa atin –by law, grinant sa atin 'yung West Philippine Sea, in-award sa ating 'yung sovereign rights so ipaglaban mo kung ano 'yung sa atin, kung ano ang tama," giit ng aktor.
Dagdag pa niya, mas lumalim ang kanyang respeto sa Navy matapos makita ang sakripisyo at tapang ng mga sundalo.
"'Yung respeto mas tumaas, 'yung pagmamahal ko sa bansang Pilipinas at kung paano nila pinoprotektahan 'yun," saad ni Carlo.
Para naman kay Ryza na gumanap bilang military officer, malaking karangalan ang mapasama sa proyekto.
"Aware ako sa nangyayari sa West Philippine Sea… gusto ko may alam ako sa nangyayari at isang malaking karangalan na mapasama ako sa project na 'to," pag-amin ng aktres.
Aniya pa, "'Yung dedikasyon nila sa trabaho nila, kaya nilang isakripisyo ang pamilya nila para lang ipaglaban kung ano 'yung atin."
Ang "Alon ng Kabayanihan" ay isang short film na inilunsad ng CIRIS (Center for Information Resilience and Integrity Studies), kasama ang Hot and Fresh Creative Productions, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG).
Layon ng pelikula na ipaalala na ang pagtatanggol sa soberanya ay hindi lamang responsibilidad ng mga nasa frontline kundi tungkulin ng bawat Pilipino.
"Every Filipino a Bayani" ang naging panawagan ng pelikula, isang paalala na ang usapin ng WPS ay hindi lamang isyung politikal, kundi isyung pambansa na dapat pag-usapan ng bawat mamamayan.
Kasama sa mga dumalo sa premiere sina PCG Commanding Officer Jomark Angue, Philippine Navy Major Roy Trinidad, at ang mga tunay na mangingisdang sina Virgilio, Jeric, at Jonathan Bueno na gumanap ng kanilang sariling buhay sa pelikula.
Sa closing statement, sinabi ng direktor na si Kevin Mayuga: "My goal was never just for audiences to know the truth, but to feel it."
Mapapanood na ang Alon ng Kabayanihan sa official Facebook page nito: facebook.com/alonngkabayanihan.
The post Sid naiyak sa super proud sa 'Alon ng Kabayanihan'; Carlo, Ryza saludo sa Navy appeared first on Bandera.

No comments: