BREAKING NEWS

‘A Heart in Two Places’ ni Emilio Baja tribute sa OFWs; lahat ng kita para sa scholars

'A Heart in Two Places' ni Emilio Baja tribute sa OFWs; lahat ng kita para sa scholars
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

PINATUNAYAN ni Lauro Emilio Baja na hindi hadlang ang murang edad para makapagbigay ng inspirasyon at tulong sa kapwa. 

Kamakailan lang, naimbitahan ang BANDERA para sa official launching ng kanyang kauna-unahang aklat na pinamagatang "A Heart in Two Places", isang makabagbag-damdaming kwento na alay sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Present sa event ang ilang personalidad upang ibahagi rin ang kanilang pagbati at suporta sa misyon ni Emilio.

Kabilang na riyan sina Education Secretary Sen. Sonny Angara, Batangas 1st District Representative Leandro Leviste, PaperKat Books Founder at Head na si Kath Eustaquio-Derla, at Museo Pambata President at Board of Trustees Member na si Wilma Santos Huang.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: OFWs sa Hong Kong balik-eskwela sa tulong ng Full Phils

Nasaksihan namin kung paanong binigyang-buhay ni Emilio ang kanyang adbokasiya, na tumutulong sa mga OFW na makapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng kanilang sakripisyo sa ibang bansa.

Ang "A Heart in Two Places" ay umiikot sa kwento ni Arlyn, isang domestic helper sa Hong Kong na nangangarap na muling makapiling ang kanyang mga anak sa Pilipinas.

Ayon kay Emilio, ang inspirasyon niya sa libro ay ang long-time yaya nila na si Arlyn, na kasama ng ng kanilang pamilya sa loob ng mahigit dalawang dekada.

"This is my own little way of recognizing her role in my life," sey ng 17-year-old author and Full Phils founder. 

"This is a story shared by millions about our overseas Filipino workers who, like Yaya Arlyn, have sacrificed her education and left their families behind to have a better life. This is the reality of billions of OFWs," patuloy niya.

Aniya pa, "As I have learned, to have your heart in two places is not a weakness, it is in fact an act of love and sacrifice, and this book is a tribute to that strength."

At para sa kaalaman ng marami, ang lahat ng kikitain mula sa bentahan ng libro ay didiretsoi sa scholarship fund ng Full Phils, ang youth-led non-profit na itinatag mismo ni Emilio noong 2023. 

Sa loob ng dalawang taon, halos 30 OFWs sa Hong Kong ang natulungan na ng organisasyon na makabalik sa kolehiyo. 

Ngayong taon, nakatakda nang magtapos ang unang batch ng kanilang mga scholars.

Pinuri ni Angara ang kakaibang malasakit ni Emilio: "As secretary of the department, I'm just flabbergasted or amazed that we have a 17-year-old so precautious and self-aware. You rarely find these qualities in people this young, and so full of empathy for some of our less fortunate countrymen."

"I think, 'yung libro ngayon ni Emilio will help us, remind us to appreciate our own also and the sacrifice they do for their families," dagdag pa ng kalihim.

Samantala, ibinahagi rin ni Emilio ang kanyang pinagdaanan sa pagtatatag ng Full Phils. 

"Education for us is not just about degrees, it has always been about having dignity and giving someone the ability to dream again…that is why I wrote 'A heart in Two Places.' This book is about recognizing the hard work, sacrifice, and resilience of our overseas Filipino workers who are our modern day heroes," sambit ng young author.

Matapos ang maikling programa, isinagawa ni Emilio ang isang espesyal na book reading para sa mga bata at kasunod nito ay book signing, kung saan personal niyang pinirmahan ang mga kopya ng kanyang aklat.

Bukod sa matagumpay na paglulunsad, nakatakda ring isama ang "A Heart in Two Places" sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa darating na September 10 to 14, pati na rin sa Frankfurt Book Fair sa Alemanya sa October 15 to 19 na pinakamalaking pandaigdigang book fair.

Si Emilio, na nagsimula ng kanyang adbokasiya sa edad na 13 matapos manirahan sa Hong Kong, ngayon ay namumuno sa isang global network ng mahigit 50 volunteers mula Pilipinas, Hong Kong, Canada, at Europa. 

Ang kanilang misyon ay gawing abot-kamay at abot-kaya ang mas mataas na edukasyon para sa mga Pinoy OFW.

The post 'A Heart in Two Places' ni Emilio Baja tribute sa OFWs; lahat ng kita para sa scholars appeared first on Bandera.


‘A Heart in Two Places’ ni Emilio Baja tribute sa OFWs; lahat ng kita para sa scholars ‘A Heart in Two Places’ ni Emilio Baja tribute sa OFWs; lahat ng kita para sa scholars Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close