BREAKING NEWS

Robin sa korapsyon: Harap-harapang nagpapakasasa sa pera ng bayan!

Robin sa korapsyon: Harap-harapang nagpapakasasa sa pera ng bayan!

TINITIYAK ni Sen. Robin Padilla na may mga taong mananagot sa malawakang nakawan at korapsyon sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno.

Kasama ang actor-public servant sa mga senador na dumidinig sa mga maanomalyang flood control projects kung saan kumita umano ng bilyun-bilyong ang ilang politiko at government contractors.

Isa sa mga contractor na dumalo sa naturang Senate hearing ng Blue Ribbon Committee ay ang kontrobersyal na negosyanteng si Sarah Discaya na nakalaban ni Vico Sotto sa pagka-mayor sa Pasig last midterm elections. 

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post si Sen. Robin ng kanyang saloobin sa nagaganap na pagdinig kung saan ipinaramdam niya ang kanyang galit sa mas tumitindi pang corruption sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Nadia Montenegro nag-resign na bilang political officer ni Robin Padilla

"Kasalukuyan pong isinasagawa ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Sen. Rodante Marcoleta hinggil sa mga Ghost Flood Control Projects. 

"Tunay pong nakakalungkot at nakakagalit malaman na ang buwis na pinaghihirapan ng taumbayan ay napupunta sa mga proyektong hindi nila napapakinabangan o nararamdaman," simulang pagbabahagi ni Sen. Robin.

Pagpapatuloy pa niya, "Habang ang ating mga kababayan ay lubog sa baha, ang mga nakinabang ay harap-harapang nagpapakasasa sa pera ng bayan.

"Kasama po ang ating mga kapwa senador sa masusing pagtutok sa usaping ito upang matiyak na mananagot ang mga dapat managot," saad pa ng iconic action star.

Sa huli, nanindigan si Robin na dapat ilantad sa sambayanan ang katotohanan, "Nawa'y magsilbi itong paalala na kailanman ay hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang tiwala ng taumbayan, sapagkat tungkulin nating lahat na pangalagaan ito."

The post Robin sa korapsyon: Harap-harapang nagpapakasasa sa pera ng bayan! appeared first on Bandera.


Robin sa korapsyon: Harap-harapang nagpapakasasa sa pera ng bayan! Robin sa korapsyon: Harap-harapang nagpapakasasa sa pera ng bayan! Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close