DPWH contractor na campaign contributor ni Chiz Escudero sumulpot sa Senate probe

WALANG tali na nagdudugtong sa P30 million campaign contribution niya kay Senate President Chiz Escudero at sa mga nakuha niyang kontrata sa gobyerno.
Ito ang ipinagdiinan ng negosyanteng si Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc., sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa flood-control projects.
Ginawa ni Lubiano ang paglilinaw dahil sa mga malisyosong ulat kaugnay sa kontribusyon niya sa pangangampanya ni Escudero at ito ang pinalalabas na naging susi upang makakuha siya ng kontrata sa DPWH na nagkakahalaga ng higit P5 billion.
Ayon sa negosyante, hindi maaring iugnay ang kanyang donasyon kay Escudero sa katuwiran na plantsado na noong 2021 pa ang ang 2022 General Appropriations Act.
Baka Bet Mo: Demolition job itinuro ni Chiz Escudero sa Kamara
Dagdag pa niya, gobernador pa ng Sorsogon si Escudero noong 2021 kaya't walang partisipasyon sa 2022 national budget.
Sinabi din ni Lubiano na noong 2019 hanggang ngayon taon, sumali sila sa bidding ng 1,549 na proyekto at 269 lamang sa mga ito ang kanilang nakuha.
Mapapatunayan din, aniya, sa ulat ng Commission on Audit (COA) na maayos nilang nagawa ang lahat ng mga proyekto.
The post DPWH contractor na campaign contributor ni Chiz Escudero sumulpot sa Senate probe appeared first on Bandera.

No comments: