BREAKING NEWS

PAGASA: 2 hanggang 4 na bagyo ang aasahan ngayong Setyembre

PAGASA: 2 hanggang 4 na bagyo ang aasahan ngayong Setyembre
PHOTO: Screengrab from Facebook/DOST-PAGASA

UNANG araw ng Setyembre, naglabas na ng forecast ang PAGASA para sa aasahang mga bagyo ngayong buwan.

Ayon sa report ni Weather Specialist Daniel James Villamil, aasahan na may dalawa hanggang apat na bagyo na babantayan.

Sabi pa ni Villamil, ang una at ikalawang track na nakita nila ay 'yung tinatawag na recurving track.

Ang ibig sabihin daw niyan, "Mananatiling malayo ang [mga] bagyong ito sa ating bansa."

Baka Bet Mo: Bagyo 101: Ang ultimate guide para hindi ma-confuse sa klase ng bagyo, wind signals

Ipinaliwanag din ng weather specialist na ang unang track ay may maliit na tiyansa na magkaroon ng direktang epekto sa ating bansa, habang ang kasunod ay may mas mataas na tiyansa na magkaroon ng epekto sa umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Samantala, ang ikatlo at pang-apat na bagyo raw ay nakikita nilang magiging landfalling track o 'yung mga pwedeng tumama sa kalupaan.

"Posibleng mag-landfall sa extreme Northern Luzon area towards the area of Hong Kong and China [ang ikatlong track]," esplika ni Villamil.

Dagdag niya, "Ang huling track ay isa ring landfalling track, possible landfall is over the southern portion of Luzon patungo sa area naman ng Vietnam."

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=314&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FPAGASA.DOST.GOV.PH%2Fvideos%2F1416356969474699%2F&show_text=false&width=560&t=0" width="560" height="314" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Bandang huli, ipinaalala ng PAGASA na aasahan pa rin ang pag-iral ng Habagat sa bansa.

"Kaya kung may bagyo tayo kahit nananatiling malayo ito sa ating bansa, asahan natin 'yung posibleng paglakas ng Southwest Monsoon," babala ni Villamil.

The post PAGASA: 2 hanggang 4 na bagyo ang aasahan ngayong Setyembre appeared first on Bandera.


PAGASA: 2 hanggang 4 na bagyo ang aasahan ngayong Setyembre PAGASA: 2 hanggang 4 na bagyo ang aasahan ngayong Setyembre Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close