Bigtime DPWH contractor no-show sa Senate hearing, arrest warrant nakaamba

NANGANGANIB maisyuhan ng arrest warrant mula sa Senado ang isang contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito'y dahil sa hindi pagsipot muli sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa mga maanomalyang flood-control projects.
Sa mga contractor na pinadalhan ng subpoena, tanging si Edgar Acosta, pangulo ng Hi-Tone Construction & Development Corp., ang nagpadala lamang ng kinatawan sa pagdinig.
Samantala, humatrap sa pagdinina ang siyam iba pang contractor na sina Alex Abelido (Legacy Construction Corp.), Sarah Discaya (Alpha and Omega General Contractor), Ma. Roma Angeline Rimando (St. Timothy Construction), Allan Quirante (QM Builders), at Erni Baggao (EGB Construction Corp.).
Gayundin sina Eumir Villanueva (Topnotch Catalyst), Lawrence Lubiano (Centerways Construction), Aderma Angelie Alcazar (Sunwest Inc), Wilfredo Natividad (Triple B Construction), Romeo Miranda (Royal Crown Monarch), Mark Allan Arevalo (Wawao Builders), Marjorie Samidan (MG Samidan Construction), Luisito Tiqui (LR Tiqui Builders) at Ryan Willie Uy (Road Edge Trading).
Sa listahan ng mga naimbitahang resource persons sa pagdinig, may walo pang ibang contractors.
Si Sen. Ronald dela Rosa ang humiling na mag-isyu ang komite ng warrant of arrest sa mga hindi sumipot na contractor base na rin sa unang hiniling ni Sen. Erwin Tulfo na ipa-subpoena ang 15 na contractors na kinilala ni Pangulong Marcos Jr., na nakakuha ng pinakamaraming flood-control projects sa DPWH.
Nanawagan naman si Sen. Rodante Marcoleta, ang namumuno sa komite, sa mga contractor na makipagtulungan sa komite at kilalanin ang kanilang mga kasabwat na opisyal ng DPWH, maging mga pulitiko na kasabwat sa mga maanomalyang proyekto.
The post Bigtime DPWH contractor no-show sa Senate hearing, arrest warrant nakaamba appeared first on Bandera.

No comments: