BREAKING NEWS

Discaya napaamin nina Estrada, Hontiveros at Tulfo sa Senate hearing

Discaya napaamin nina Estrada, Hontiveros at Tulfo sa Senate hearing
Risa Hontiveros, Jinggoy Estrada at Sarah Discaya

SA halinhinang pagtatanong ng mga senador, umamin ang negosyanteng si Sarah Discaya na pag-aari niya ang siyam na construction company na may mga kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Napaamin nina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros at Sen. Erwin Tulfo si Discaya sa nagaganap ngayong Senate hearing hinggil sa mga maanomalyang flood-control projects sa bansa.

Unang pinanindigan ni Discaya na tanging ang Alpha and Omega General Contractor & Development Corp., ang kanyang pag-aari.

Pinaalalahanan ni Estrada si Discaya na siya'y "under oath" at ipakukulong sakaling mapatunayang nagsisinungaling.

Nagbago ang tono ni Discaya nang banggitin nina Estrada at Hontiveros na may mga dokumento siya na magpapatunay na ang una din ang may-ari na walo pang kompanya katuwang ang kanyang mister na si Pacifico "Curlee" Discaya.

Ang isa sa mga kumpanya, ang St. Timothy Construction Corp., ay pinamumunuan ni Ma. Roma Angeline Rimando, na inamin ni Discaya ay pamangkin ng kanyang mister.

Binanggit din ni Estrada ang isang John Bryan, na inilistang may-ari ng isa pang kumpanya at umamin si Discaya na isa lamang nilang kawani ang tao na binanggit ng senador.

Nilinaw din ni Discaya na 28 lang ang pag-aari nilang mga sasakyan, kabilang ang luxury cars, at ang mga ito ay ginagamit nilang mag-asawa at apat nilang anak.

Aniya ang unang niyang binanggit niya na 40 na kanilang sasakyan, ang iba ay pag-aari at service vehicles ng kanilang kompanya.

The post Discaya napaamin nina Estrada, Hontiveros at Tulfo sa Senate hearing appeared first on Bandera.


Discaya napaamin nina Estrada, Hontiveros at Tulfo sa Senate hearing Discaya napaamin nina Estrada, Hontiveros at Tulfo sa Senate hearing Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close