BREAKING NEWS

Sarah Discaya umaming natuwa lang sa payong kaya bumili ng luxury car

Sarah Discaya umaming natuwa lang sa payong kaya bumili ng luxury car

DIRETSAHANG inamin ng controversial contractor na si Sarah Discaya na bumili siya sa luxury car dahil natuwa lang siya sa payong.

Nangyari ito sa isinasagawa ngayong Senate hearing ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano'y maanomalyang flood-control projects sa bansa kung saan sangkot ang ilang politiko at government contractors.

Natanong kasi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Discaya kung ilan lahat ng pag-aari niyang mga luxury car.

Sagot ni Discaya, aabot daw sa 28 ang bilang ng kanyang mamahaling sasakyan kumpara sa nabanggit niya sa kanyang mga interview, na nasa 40 ang luxury cars na meron sila ng asawang si Pacifico "Curlee" Discaya. 

Baka Bet Mo: Pokwang binarag mga 'Disney Princess' na super flex ng 'crazy rich lifestyle'

Sundot na tanong ni Estrada kung may bahid ba ng katotohanan ang nabanggit ni Discaya na binili niya ang isang luxury car nang dahil sa payong.

"Balita ko doon sa interview mo, binili mo 'yong isang Rolls-Royce (Cullinan) dahil sa payong? Tama ba?" tanong ng senador.

"Sir, yes po," ang sagot ni Discaya. 

Sa panayam ni Julius Babao kay Discaya noong 2024, nagustuhan niya ang Rolls-Royce Cullinan dahil sa payong na nakalagay sa dalawang pinto ng mamahaling sasakyan.

"Kasi ito o, may payong. Natutuwa ako sa payong. Pero hindi ko pinagagamit itong payong na ito kasi mahal yung payong. May payong on both sides ng pinto.

"So ayan yung feature ng Rolls na kaya ko siya nabili kasi natuwa ako sa payong," ang chika nj Discaya.

Nausisa din ni Estrada kung saan ginagamit ni Discaya ang 28 luxury cars nila ng kanyang asawa, "Araw-araw gusto mo magpalit ng kotse?" 

"I have four kids who uses it all the time," sagot ni Discaya. 

"And you bought that using the taxpayers' money?" follow-up na question ni Estrada.

"No po. Hindi po," tugon uli ng contractor. 

Dalawa sa pag-aaring kumpanya ng mga Discaya na Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation ang nakasama sa top 15 contractors na umano'y kumita nang bilyun-bilyon sa iba't ibang flood control projects sa bansa.

The post Sarah Discaya umaming natuwa lang sa payong kaya bumili ng luxury car appeared first on Bandera.


Sarah Discaya umaming natuwa lang sa payong kaya bumili ng luxury car Sarah Discaya umaming natuwa lang sa payong kaya bumili ng luxury car Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close