BREAKING NEWS

Gretchen, Atong Ang inimbita ng Kamara para sa imbestigasyon sa ‘missing sabungeros’

Gretchen, Atong Ang inimbita ng Kamara para sa imbestigasyon sa 'missing sabungeros'
Gretchen Barretto, Atong Ang

IIMBITAHAN ng House committee on human rights sina gambling tycoon Atong Ang at ang dati niyang partner na aktres na si Gretchen Barretto para dumalo sa imbestigasyon kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungeros.

Pahayag ni Manila 1st District Rep. Benny Abante sa ulat ng INQUIRER base sa isang interview, "Later on, we'll call on him too as he was charged for murder, even I think Gretchen Barretto."

Dagdag pa ni Abante, iimbitahin din sa pagdinig ang mga nag-akusa sa dalawa, ang magkapatid na Patidongan, pati na rin ang 18 pulis na umano'y sangkot sa kaso.

Matatandaang noong July 2, nagsalita ang whistleblower na si Julie "Dondon" Patidongan at idinawit si Atong, na dati niyang amo, bilang utak umano sa pagkawala ng mga sabungeros mula Abril 2021 hanggang Enero 2022.

Baka Bet Mo: DOJ may 'lookout order' laban kina Atong Ang, Gretchen dahil sa 'missing sabungeros'

Ayon kay Patidongan, pinatay umano ang mga nawawala dahil sa isyu ng game fixing at itinapon ang 34 na bangkay sa Taal Lake sa Batangas.

Mariing itinanggi nina Atong at Gretchen ang mga paratang.

Pero ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla kamakailan, kapwa sila at iba pang suspek ay isinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Dagdag pa ni Remulla, sisimulan na rin ng DOJ ang preliminary investigation sa kaso at magpapadala ng mahigit 60 subpoena sa mga respondent sa susunod na linggo.

Samantala, noong July 29 ay nagsampa ng administrative cases ang National Police Commission (Napolcom) laban sa 12 aktibong pulis na akusado sa umano'y pagdukot at pagpatay sa mga sabungero.

Sinimulan na rin ng Napolcom ang pagsisiyasat sa iba pang mga pulis, kabilang na ang ilang heneral na sinasabing sangkot din sa kontrobersyal na kaso.

The post Gretchen, Atong Ang inimbita ng Kamara para sa imbestigasyon sa 'missing sabungeros' appeared first on Bandera.


Gretchen, Atong Ang inimbita ng Kamara para sa imbestigasyon sa ‘missing sabungeros’ Gretchen, Atong Ang inimbita ng Kamara para sa imbestigasyon sa ‘missing sabungeros’ Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close