BREAKING NEWS

Ellen Adarna masakit ang hugot bilang nanay, may patama sa ‘postpartum’

Ellen Adarna masakit ang hugot bilang nanay, may patama sa 'postpartum'
Ellen Adarna at Derek Ramsay kasama ang mga anak

MALAMAN at nakakaintriga ang ipinost ni Ellen Adarna sa Instagram na may kaugnayan sa "postpartum" na nararanasan ng kababaihan matapos manganak.

Ang paniwala ng marami, may kaugnayan ito sa chikang nagkakalabuan na raw o hiwalay na si Ellen at ang mister niyang si Derek Ramsay.

Ang mababasa sa IG Story ni Ellen, "She will never forget how she was treated when she was Postpartum. 

"Calling her crazy or using this very natural occurrence after birth against her is one of the cruelest things someone could do. 

"As a man you'll never understand. As another mother you should've been ashamed of yourself for doing that," ang buong mensaheng nakasulat sa post ng dating sexy actress na may dalawa nang anak, sina Elias Modesto (anak nila ni John Lloyd Cruz) at Liana Del o Lili (panganay nila ni Derek).

Mababasa naman sa isa pang post ni Ellen sa IG ang quote na, "You can't destroy the mother of your children and then tell me you're a good father."

Bukod dito, may video rin na ibinahagi ang wifey ni Derek na mula sa isang podcast. Dito pinag-uusapan ang qualities ng mga taong may zodiac sign na Aries. Si Ellen ay  ipinanganak noong April 2, 1988 kaya Aries din ang kanyang zodiac sign.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2F812692894425473&show_text=true&width=500" width="500" height="481" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

"This sign doesn't break, they break through. Life says wait, they say watch me. They've been knocked down 100 times and still come back singing, swinging, louder, faster. They fight first, cry later," ang paglalarawan ng astrologer na si Irina Mineeva.

Sa isa pang hiwalay na post ni Ellen mababasa ang quote na, "You can't destroy the mother of your children and then tell me you're a good father."

Kaya naman ang tanong ng lahat, patungkol nga ba ito sa pinagdaraanan nila umano ni Derek bilang mag-asawa? O, bahagi lamang ito ng paglalabas ni Ellen ng kanyang saloobin na dumanas nga ng postpartum matapos manganak?

Nauna rito, napabalita ngang hiwalay na raw ang celebrity couple matapos magtungo si Derek sa Bali, Indonesia nang mag-isa para sumailalim sa Kami No Ken na isang self-improvement program.

Pero mariing dinenay ng aktor ang tsismis at sinabing nananatiling solid ang pagsasama nila ni Ellen bilang mag-asawa.

Post ni Derek sa kanyang IG Story, "Showbizlife stop spreading lies about my family. Lily is my daughter and Ellen is a loyal wife! I don't know how you can sleep at night spreading lies like this."

May ni–repost din siyang quote, "People can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds. Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best."

The post Ellen Adarna masakit ang hugot bilang nanay, may patama sa 'postpartum' appeared first on Bandera.


Ellen Adarna masakit ang hugot bilang nanay, may patama sa ‘postpartum’ Ellen Adarna masakit ang hugot bilang nanay, may patama sa ‘postpartum’ Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close