LPA maliit pa ang tiyansa na maging bagyo, pero magpapaulan pa rin

HINDI pa inaasahang magiging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa Luzon.
Ngunit ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magpapaulan pa rin ito sa ilang lugar sa bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 695 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.
Sinabi ni Weather Specialist Daniel James Villamil, dahil sa epekto ng LPA at Southwest Monsoon o Habagat, "Makakaranas tayo ngayong araw ng makulimlim na panahon at mataas na tiyansa ng pag-ulan."
Baka Bet Mo: Bagyo 101: Ang ultimate guide para hindi ma-confuse sa klase ng bagyo, wind signals
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=314&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FPAGASA.DOST.GOV.PH%2Fvideos%2F1416356969474699%2F&show_text=false&width=560&t=0" width="560" height="314" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Dahil sa LPA, may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Aurora, Bulacan, Quezon, at Rizal.
Gayundin ang aasahan sa Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, nalalabing bahagi ng Central Luzon, and natitirang lugar sa CALABARZON nang dahil naman sa Habagat.
Magdadala din ng mga ulan ang nasabing weather system sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
The post LPA maliit pa ang tiyansa na maging bagyo, pero magpapaulan pa rin appeared first on Bandera.
No comments: