BREAKING NEWS

Boyet putok-kilay, Juan Rodrigo dugo ang ilong sa taping ng ‘Batang Quiapo’

Boyet putok-kilay, Juan Rodrigo dugo ang ilong sa taping ng 'Batang Quiapo'
Juan Rodrigo, Albert Martinez at Christopher de Leon

HINDI talaga maiiwasang magkaroon ng aksidente sa maaaksyong eksena sa taping ng "FPJ's Batang Quiapo" lalo't hindi pinepeke ang mga bakbakan.

Naitsika sa amin ng mga nakapanood ng eksenang nagsusuntukan sina Juan Rodrigo bilang si Alfredo at Albert Martinez as Mayor Roberto Guerrero kung saan hindi nailagan ng una ang suntok ng huli.

"Sinalubong ni Juan 'yung suntok ni Albert, hayun dugo nang dugo 'yung ilong. Nahinto ang taping kasi kailangan ng assistance ni Juan, maga ang ilong niya," sabi ng nakapanood sa naturang eksena.

Hindi naman daw umabot ng isang oras ang pagkakahinto ng taping dahil tumigil din ang pagdaloy ng dugo sa ilong ng beteranong aktor.

Bukod kay Juan ay natamaan din daw ng baril sa mukha si Christopher de Leon bilang si Ramon Montenegro.

Ang kuwento ng nakapanood, "Si Boyet po, nalaglagan ng baril sa noo, pumutok yung kilay, pero okay naman na, naagapan agad."

Wala naman daw dinala sa hospital dahil may nakaabang na ambulansiya sa set ng "BQ" at ilang medical staff para sa mga ganitong delikadong eksena.

"Maagap naman si Coco (Martin) sa ganyan, narinig ko pinatanong niya kung okay pa silang mag-shoot (Juan at Boyet), okay naman daw. Safety first sila sa Batang Quiapo kung hindi kaya ay ihihinto ang taping," kuwento ng laging tambay sa set ng programang gabi-gabi ay inaabangan ng madlang pipol.

Samantala, sa umereng episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Biyernes, Agosto 29 ay dinaya ng kampo ni Jake Cuenca as Miguelito ang resulta ng botohan sa pagka-mayor sa Quiapo.

Hindi pa inaanunsyo kung sino ang panalo pero base sa takbo ng kuwento ay matatalo si Tanggol played by Coco Martin gayun din si Chanda Romero as Olivia.

Mga bago ring tauhan sa serye, sina Cristina Gonzales at Lloyd Samartino bilang magulang ng lover boy ni Albert /Roberto na bini-brainwash ni Olivia.

Pasok din si Aljur Abrenica na nakabanggaan kaagad ni Rigor played by John Estrada na hindi niya alam na magiging boss pala niya.

The post Boyet putok-kilay, Juan Rodrigo dugo ang ilong sa taping ng 'Batang Quiapo' appeared first on Bandera.


Boyet putok-kilay, Juan Rodrigo dugo ang ilong sa taping ng ‘Batang Quiapo’ Boyet putok-kilay, Juan Rodrigo dugo ang ilong sa taping ng ‘Batang Quiapo’ Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close