BREAKING NEWS

Lauv, BINI, Alamat, iba pang OPM stars pasiklab sa Coke Studio PH Season 9 Concert

Lauv, BINI, Alamat, iba pang OPM stars pasiklab sa Coke Studio PH Season 9 Concert
PHOTO: Courtesy of Coke Studio PH

MATAPOS ang sunod-sunod na matagumpay na seasons, muling magbabalik ang Coke Studio PH para sa Season 9!

At guess what? Tampok sa bonggang one-night only concert ang international pop star na si Lauv, kasama ang mga sikat na Pinoy pop groups katulad ng BINI at Alamat!

Mangyayari ang show sa darating na September 5 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Asahan na magpapasiklab ang iba't ibang Pinoy collabs na siguradong hindi malilimutan ng maraming fans.

Baka Bet Mo: Bawat bote may kilig: Paandar na muling pupukaw sa puso, feels ng mga kabataang Pinoy

Narito ang listahan na aabangan ninyo sa Coke Studio PH Season 9 Concert:

BINI x Orchestra of the Filipino Youth – Imagine P-pop queens na may kasamang orkestra? Goosebumps!

ALAMAT x mrld – Hugot meets kilig vibes, acoustic feels na may halong pop swag.

Dionela x Alex Bruce – R&B at rap? Parang chill na tambay with friends na biglang naging concert.

Over October x Ena Mori – Indie at alternative na siguradong tatagos hanggang sa puso mo.

Ayon sa Coke Studio, hindi lang ito basta concert, kundi isang selebrasyon ng connection, collaboration, at creativity. 

Para sa mga gustong manood ng concert, bumili ng participating Coca-Cola products mula sa Jollibee, 7-Eleven, Grab, o Lazada at may chance ka nang makasali sa raffle para makakuha ng golden ticket papuntang Araneta!

The post Lauv, BINI, Alamat, iba pang OPM stars pasiklab sa Coke Studio PH Season 9 Concert appeared first on Bandera.


Lauv, BINI, Alamat, iba pang OPM stars pasiklab sa Coke Studio PH Season 9 Concert Lauv, BINI, Alamat, iba pang OPM stars pasiklab sa Coke Studio PH Season 9 Concert Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close