Aranzazu Church sa Rizal pormal nang idineklara bilang National Shrine

ISANG makasaysayang araw ang nangyari sa San Mateo, Rizal nitong buwan ng Agosto.
Pormal na kasing idineklara ng Simbahang Katolika ang Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu bilang National Shrine!
Pinangunahan mismo ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang solemne at deklarasyon na naganap noong August 22 sa pamamagitan ng isang banal na misa, kasama sina Antipolo Bishop Most Rev. Ruperto Santos at CBCP Secretary General Rev. Msgr. Bernardo Pantin na siyang bumasa ng opisyal na decree.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FAranzazuShrine%2Fposts%2Fpfbid0BVbXTBBoBHmxsi4yu2sjpN3PNndA4LMGaeFUL9ZGQwDoRpyChJc6yMhr1ZWLNudVl&show_text=true&width=500" width="500" height="745" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Baka Bet Mo: Cardinal Tagle 'first act of charity' kay Pope Leo XIV: Binigyan ng candy
Sa kanyang homiliya, muling pinakilig ni Cardinal Tagle ang mga mananampalatayang dumalo hindi lang dahil sa kanyang mala-stand-up na humor, kundi dahil sa kanyang mas malalim na paalala.
Ibinahagi niya ang kasaysayan ng Mahal na Birheng Maria na natagpuan ang imahe sa isang bush na puno ng tinik sa Spain.
Mula rito, inihalintulad niya ang "mga tinik" sa Bibliya sa kasalukuyang hamon ng tao, lalo na sa pang-aabuso sa kalikasan.
"Mahalagang paalala sa atin: nangyayari sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng mundo. Ang lupa ay parang tinik at 'yan ay dahil sa kagagawan ng tao…Gawa 'yan ng tao, 'yang tinik," sey ni Cardinal Tagle.
Dagdag pa niya, "Kapag nawalan ng responsibilidad, kapag namayani ang pagkaganid, nasisira ang lupa, ang dagat, ang kalikasan, at ang ating mga trabaho, madadagdagan pa ng corruption –ang bunga, tinik."
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=314&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FAranzazuShrine%2Fvideos%2F753117140939444%2F&show_text=false&width=560&t=0" width="560" height="314" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe> Ngunit hindi natapos sa sermon ang inspirasyon dahil ayon kay Tagle, isa sa mga misyon ng National Shrine of Our Lady of Aranzazu ay ang, "hanapin ang mga tinik sa ating kapaligiran, at lumapit sa Mahal na Birheng Maria upang humingi ng tulong at mas mapalapit kay Hesus."
Para sa kaalaman ng marami, matagal nang bahagi ng kasaysayan ang Aranzazu Church, kung saan nagsimula ito noong 1596 sa ilalim ng mga Agustino.
Taong 1659 nang maitayo ang parokya para sa San Mateo, pero pagsapit naman ng 1696 ay napunta ito sa mga Heswita at dito na ipinakilala ang debosyon kay Our Lady of Aranzazu noong 1705 ni Fr. Juan Echazabal, SJ.
Ang kasalukuyang imahe ng Our Lady of Aranzazu ay nakalarawan bilang isang maputing Birheng Maria na may kargang batang Hesus sa isang braso at mansanas sa kabila, habang nakatayo sa isang punong tinikan.
Maliban sa mga pari at obispo, nakiisa rin sa nasabing deklarasyon ang lokal na pamahalaan ng San Mateo sa pangunguna ni Mayor Bartolome Rivera, na naghandog pa ng civic reception para kay Cardinal Tagle.
Sa unang bahagi ng taon, kasama ang Aranzazu sa tatlong simbahan sa Luzon na kinilalang national shrine ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
Kasama rin dito ang Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine sa Quezon City, at ang Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto sa Maynila.
Ayon sa CBCP, ang national shrine ay itinuturing na sagradong lugar na may malalim na kahalagahan sa kasaysayan, pananampalataya, at kultura na madalas kaugnay ng milagro, debosyon, o mahahalagang kaganapang panrelihiyon.
The post Aranzazu Church sa Rizal pormal nang idineklara bilang National Shrine appeared first on Bandera.

No comments: