Claudine Co: Like hello?! Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino!

"LIKE, hello? Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino, okay?" ang matapang na pahayag ni Claudine Co, anak ni Christopher Co na may-ari ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.
Ang pag-aaring construction business ng tatay ni Claudine Co ang isa sa top 15 contractors na nakakuha ng may pinakamaraming flood control projects sa bansa.
Bukod dito ay pamangkin din siya ni Zaldy Co, CEO naman ng Sunwest Group of Companies na kasama rin sa top 15 listahan ni PBBM.
Taga-Bicol ang pamilya Co pero sa Maynila lumaki ang kilalang lifestyle YouTuber na si Claudine Co dahil milyones na rin ang kanyang followers pero ngayon ay deactivated na ang kanyang YT channel.
Baka Bet Mo: Claudine Co kinastigo ng netizens sa lavish lifestyle, nag-deact ng socmed accounts
Anyway, naging maingay ang pangalan ni Claudine Co dahil anak siya ng negosyanteng maraming projects sa DPWH na mainit na pinag-uusapan ngayon dahil sa kaliwa't kanang pagbaha sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nasaan na raw ang budget sa flood control?
Dito na nakuwestiyon ang lavish lifestyle ni Claudine Co kung saan ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel ang pag-aaring mansyon, luxury bags, travels sa sa mahigit 38 bansa, pati ang bill ng dinner nila sa isang kilalang hotel sa BGC kasama ang mga kaibigan na umabot sa P938,000 (single receipt).
Hindi maiiwasang paghinalaan si Claudine Co sa marangya niyang pamumuhay dahil sa koneksyon niya sa tatay niyang maraming project sa flood control at base rin sa sagot niya sa mga kumuwestiyon sa kanya ay hindi nagustuhan ng netizens dahil imbes na mabigay nang maayos na paliwanag ay nagtaray pa.
"Like hello? Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino, okay? This is not from taxpayers' money, the Government literally paid us for the service that our business provided. Gets?" aniya.
Nakakaaliw ang sagot na ito ni Claudine Co, na ang gobyerno raw ang nagbayad sa serbisyo ng kanilang kumpanya, e, saan galing ang ipinangbayad ng pamahalaan, hindi ba sa buwis ng mamamayang Pilipino?
Samantala, deactivated na ang lahat ng social media accounts ni Claudine Co o Claudine Julia Monique Co.
Ang tanong, siya kaya ang blind item ni Xian Gaza na tinanggal na umano ang malaking perang naka-deposit sa bank account niya para hindi masilip kapag may hearing na.
Ito ang post ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account kaninang umaga, "May cinlose na bank account kahapon sa Entertainment City, 210 million ang laman.
"Mula sa pangalan ng anak, inilipat sa maraming corporate accounts. Winithdraw cold cash yung 210 tapos dineposit lahat over-the-counter para walang paper trail. Sinafety na agad bago pa ma-senate hearing at ma-freeze yung account. Very wise move. Magaling."
Bukas ang BANDERA sa panig ni Claudine Co o ng kampo niya hinggil dito.
The post Claudine Co: Like hello?! Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino! appeared first on Bandera.

No comments: