Gigi pinagtawanan chikang buntis kay Gerald, pagiging adik: Hindi po!

"HINDI po!" 'Yan ang diretsahang sagot ng singer-actress na si Gigi de Lana sa mga kumakalat na chika tungkol sa kanya.
Kabilang na riyan 'yung balitang nabuntis umano siya ni Gerald Anderson, pati na rin 'yung usap-usapang naging adik na siya dahil sa pagpayat ng katawan.
Well, lahat 'yan ay pinabulaanan na mismo ni Gigi nang isa-isahin ni Julius Babao sa kanyang YouTube vlog na "Unplugged" ang ilang myths o fake news tungkol sa dalaga.
Unang bungad ni Julius, "Buntis ka raw?"
Baka Bet Mo: Gigi de Lana sinisi ang sarili sa paglala ng cancer ng yumaong ina
Natawa bigla si Gigi at sinabing, "Hindi po! I'm not pregnant," at sabay tanong, "With who?"
Nag-follow-up question ang news anchor, "Pero nagkasama kayo noon ni Gerald?"
Umamin ang singer at chinika na: "Napakabait na tao niyan si Ge. Napakasarap makatrabaho kasi marami akong natutunan sa kanya as an artista. And grabe, very humble and very sweet siya sa lahat. As in!"
Matatandaang nagkatrabaho ang dalawa sa ABS-CBN series na "Hello Heart" noong kasagsagan ng pandemya.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/Gh-cHbwlFOY?si=xO0qyWJTrPneiUNQ" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe> Sumunod na fake news na inusisa ng batikang journalist ay kung nagda-drugs ang dalaga.
Agad na nag-NO si Gigi at sabay sabing, "Ang pinaka-drugs ko lang ngayon is 'yung cats ko. My cats and food. Foodie din kasi ako…I love food."
Ipinaliwanag niya rin na 'yung dati niyang pangangatawan ay hindi healthy at ibinunyag na bulimic siya that time.
Para sa mga hindi aware, ang pagiging bulimic ay isang eating disorder na hindi ma-control ang pagkain ng sobrang dami ngunit ito ay isusuka lang pagkatapos.
"I really love food kaso kasi may time na ang daming nagsasabi sakin na, 'uy tumataba ka na', 'ang taba mo', 'yun 'yung actually na sinasabi niyong healthy ang katawan ko that time.
"No I'm not. I'm not healthy nu'ng time na 'yun kasi I had a bad eating habits na kakain ako hanggang sobrang mabusog, and then bulimic po ako nu'ng time na 'yun," kwento ni Gigi.
Chika pa niya, "I'm not really aware doon sa ganung sakit eh. Ginagawa ko lang siya para pumayat ako. I want to eat what I want as many as I can and then isusuka ko siya. Pero not lahat ha. Isusuka ko lang siya kapag nakita kong medyo gumaan na 'yung tiyan ko na hindi na 'yung parang punong-puno na."
Kaya naman, ang mensahe niya para sa mga may ganitong klase ng eating disorder: "I think, you should really be aware because it's really bad for you."
Gayunpaman, nilinaw ni Gigi na magaling na siya mula sa pagiging bulimic at nakatulong daw 'yung pagiging aware niya sa ganitong klase ng sakit.
"And now, I'm healthier! Gusto ko lang sabihin kasi ang daming nagwo-worry, 'ang payat payat mo na'…may checkup ako every six months and healthy 'yung katawan ko as in I'm very, very clean. 'Yung eating habits ko is controlled. Kahit four times a day ako kumakain," pagtitiyak pa ng singer.
Humirit naman si Julius sa kanya, "Nakita ko nga kanina, 'yung kain mo lang parang kain ibon."
Ani Gigi, "Yes, ganun lang. Kapag naramdaman kong may laman na ang tiyan ko na not super full, I'm good. Kasi kapag super full, ina-acid din kasi ako."
The post Gigi pinagtawanan chikang buntis kay Gerald, pagiging adik: Hindi po! appeared first on Bandera.

No comments: