Korean Author Hwang Boreum magdadala ng kwento, inspirasyon sa Manila

KUNG may libro kang babasahin para kumalma ang puso at magpahinga ang isip, malamang narinig mo na ang international bestseller na "Welcome to Hyunam-dong Bookshop."
At guess what? Ang mismong Korean author na si Hwang Boreum ay darating sa ating bansa para maki-join sa Pinoy bookworm ngayong Setyembre!
Inihahandog ng Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) ang "Conversations with Hwang Boreum: Stories in the Bookshop" mula September 10 to 14.
At take note, hindi lang limang araw ng meet-and-greet ang mangyayari, ikukwento mismo ni Boreum ang kanyang writing journey mula sa pagiging computer engineering graduate at software developer sa isa sa pinakamalalaking tech companies sa Korea, hanggang sa pagiging full-time author.
Baka Bet Mo: KCC PH may bonggang paandar para sa 'K‑Pop Demon Hunters' fans
Narito ang magiging schedule ng mga ganap ng sikat na Korean author pagdating niya dito sa Manila:
September 10–14 – The Bookshop 2025 sa Manila International Book Fair, SMX Convention Center (hanapin ang booth ng National Book Store).
September 11, 1:00–4:00 p.m. – Conversations Pt. I sa KCC Library, Taguig (Mag-register dito: bit.ly/StoriesInTheBookshop).
September 12, 1:00–4:00 p.m. – Conversations Pt. II sa UP Diliman (SURP).
September 13, 3:00–5:00 p.m. – Conversations Pt. III sa MIBF Main Stage, kasunod ang book signing sa NBS Booth.
Reminder lang din na kahit libre ang mga nabanggit na events, hiwalay ang entrance fee sa MIBF.
The post Korean Author Hwang Boreum magdadala ng kwento, inspirasyon sa Manila appeared first on Bandera.

No comments: