Coco Martin hindi totoong humiwalay sa manager: Chismis lang ‘yan!

MARAMING nagulat nang masulat sa isang showbiz website na hiwalay na si Coco Martin sa manager niyang si Biboy Arboleda ng B617 Management company na halos dalawang dekada silang magkasama.
Kilala si Coco na marunong tumanaw ng utang na loob sa taong malaki ang naitulong sa kanya kaya naman kaliwa't kanan ang blessings na dumarating sa kanya dahil hindi siya nakalilimot.
At isini-share rin niya ang mga natatanggap na biyaya sa mga tanong nangangailangan tulad ng pagbibigay niya ng trabaho sa mga artistang hindi na aktibo sa showbiz sa programa niyang "FPJ's Batang Quiapo."
Samantala, may dalawang showbiz events na dinaluhan si Coco at hindi siya nagpaunlak ng interview pero ngayong Linggo, August 31, sa isang out of town event para sa pagbubukas ng bagong brand ng ini-endorso niyang food chain ay sinagot niya ang tanong ni Jan Milo Severo ng Philstar.com kung totoong wala na siya sa pangangalaga ni Biboy.
Base sa napanood naming video, ang sagot ni Coco na tawang-tawa, "Ay, nako. Ano lang 'yan. Chismis lang 'yan."
Kasunod na tanong kung walang nagbago sa pagsasama nina Biboy at Coco, "Wala, wala, wala. Mahal na mahal ko 'yon."
Isa pang dahilan kung bakit mas lalong pinagdudahan ang dalawang hiwalay na ay dahil hindi na pina-follow ni Coco ang manager niya.
Pero nu'ng i-check namin ay pina-follow naman niya ang manager.
Samantala, ipinagtanggol si Biboy ng mga kasamahan nila ni Coco sa ABS-CBN dahil ang nasulat na dahilan ng hiwalayan ay tungkol sa pera.
Ayon sa mga nakausap namin na halos iisa ang sinabi, "Sobrang labo kung pera ang dahilan, hindi ganu'n si Mader Bibs. Kaya tigilan na yang isyu na 'yan."
Oo nga naman hindi naman siguro pagkakatiwalaan nina Jodi Sta., Maria, Cherry Pie Picache, Roderick Paulate, Amy Perez, Judy Ann Santos, at Maricel Soriano ang manager nila kung may problema ito sa pera.
At para sa kaalaman ng lahat, may sarili nang malaking bahay si Biboy sa Bacolod nu'ng nagpapatayo pa lang ng bahay niya si Coco.
The post Coco Martin hindi totoong humiwalay sa manager: Chismis lang 'yan! appeared first on Bandera.

No comments: