BREAKING NEWS

Alden Richards bad trip na rin sa korapsyon sa Pinas: Gising na, sobra na!

Alden Richards bad trip na rin sa korapsyon sa Pinas: Gising na, sobra na!
Alden Richards

NAKIISA na rin ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa pagkalampag sa mga corrupt na opisyal at government contractors.

Bumanat ang Kapusp actor sa mas tumindi pang isyu ng korupsiyon sa bansa, lalo na sa pinag-uusapan ngayong maanomalyang flood-control projects.

Bukod pa riyan ang hot topic sa social media hinggil sa mga kaanak ng politiko at contractors na walang ginawa kundi ang ipangalandakan ang kanilang kayamanan sa social media sa gitna ng tumitinding kahirapan sa Pilipinas.

Sa Instagram story ni Alden ngayong araw, August 31, mapapanood ang viral video kung saan makikita ang dalawang batang nagtatrabaho sa kanilang murang edad.

Kasunod nito ang video naman ng content creator na si Jammy Cruz na ipinangangalandakan sa publiko ang kanyang mga designer bags.

Ipinakita rin sa video ang interview ng broadcast journalist na si Julius Babao sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya na umano'y yumaman nang bonggang-bongga dahil sa mga nakuha nilang projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ginamit sa video ang kantang "Upuan" ni Gloc 9 bilang background music na tumatalakay sa mga nasa posisyon na walang ginawa kundi ang mangurakot sa kaban ng bayan.

Ang maikli ngunit tumatagos na caption ni Alden sa kanyang IG Story, "Gising na…sobra na."

Sa inilantad na listahan ni Pangulong Bongbong Marcos ng 15 contractor companies na sinasabing gumanansiya sa mga ghost flood control projects ay kasama ang Sto. Cristo Construction and Trading Inc. kung saan nagsisilbi bilang general manager ang tatay ni Jammy Cruz.

Ilan pa sa mga celebrity na matapang na naglabas ng saloobin tungkol sa talamak na korapsyon sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Pokwang at marami pang iba.

The post Alden Richards bad trip na rin sa korapsyon sa Pinas: Gising na, sobra na! appeared first on Bandera.


Alden Richards bad trip na rin sa korapsyon sa Pinas: Gising na, sobra na! Alden Richards bad trip na rin sa korapsyon sa Pinas: Gising na, sobra na! Reviewed by pinoyako on August 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close