BREAKING NEWS

REVIEW: ‘Toy Story 5’ childhood feels, nakaka-relate, may real talk sa screen time

REVIEW: ‘Toy Story 5’ childhood feels, nakaka-relate, may real talk sa screen time
PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas

MULING nagpakilig, nagpaluha, at nagpaalala kung bakit mahal natin ang ating mga laruan noon.

Ganito ang ipinaramdam ng bagong kabanata ng “Toy Story” franchise na “Toy Story 5.”

Sa special advance screening na napanood ng BANDERA sa TriNoma sa Quezon City, grabe ang saya ng experience na parang bumalik ka sa childhood mo.

Pero kahit very nostalgic ang bagong pelikula, very relatable naman ito sa kasalukuyang sitwasyon pagdating sa tech at gadgets.

Baka Bet Mo: LIST: Supergirl, He-Man, iba pang bigating Hollywood film ngayong Hunyo

Umiikot kasi ang istorya sa mundo ng laruan na ginulo ng modern technology.

Pumasok si Lilypad (voiced ni Greta Lee), isang shiny new tablet na parang kaagaw-atensyon ng mga bata, lalo na kay Bonnie. 

Dahil dito, unti-unting nababago ang dynamics ng playtime, mula sa tradisyunal na imaginative play papunta sa screen time era na relatable na relatable sa mga bata at mga magulang.

Siyempre, hindi mawawala ang OG squad na sina Woody (Tom Hanks), Buzz Lightyear (Tim Allen), at Jessie (Joan Cusack). 

Ramdam mo pa rin yung chemistry nila na kahit ilang taon na ang lumipas, same energy pa rin, same loyalty pa rin sa kid nila.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/gbyaMYBUifU?si=BANhxrfHyXJZJxEd" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Love na love namin ang nagong takbo ng istorya ng “Toy Story 5”  dahil sa naging mensahe nito na kahit modern na ang mundo, may lugar pa rin ang laro, imahinasyon, at pagkabata na hindi dapat nawawala. 

Ang relatable, ang timely, at ang sakto sa panahon ngayon na laging naka-screen ang mga bata. 

Hindi OA ang emotional punch, pero tatama sa puso mo pag nag-reflect ka.

Dahil din dito, marami sa amin ang nakaalala sa lumang toys sa bahay na nagbigay ng masasayang memories at experience noong bata pa kami.

Definitely, isa itong fun and heartwarming movie na bagay sa buong pamilya, lalo na sa kids na ngayon pa lang matututo ng value ng play at imagination. 

Pero honestly, pati adults, tatamaan din kasi tayong lahat dumaan sa stage na may paboritong laruan na parang best friend na rin.

Kaya kung may chance ka, panoorin mo na ang Toy Story 5 sa Ayala Malls Cinemas!

The post REVIEW: ‘Toy Story 5’ childhood feels, nakaka-relate, may real talk sa screen time appeared first on Bandera.


Uploaded Image
REVIEW: ‘Toy Story 5’ childhood feels, nakaka-relate, may real talk sa screen time REVIEW: ‘Toy Story 5’ childhood feels, nakaka-relate, may real talk sa screen time Reviewed by pinoyako on June 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close