BREAKING NEWS

MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Ice Seguerra, Daddy Dick adik sa videoke

MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Ice Seguerra, Daddy Dick adik sa videoke

NGAYON lang nari-realize ng OPM icon na si Ice Seguerra na marami siyang namanang ugali mula sa namayapa niyang ama na si Daddy Dick.

Sa pagdiriwang ng Father’s Day this year, eksklusibong nakachikahan ng BANDERA si Ice kung saan natanong namin kung anu-anong traits ng kanyang tatay ang nakuha niya.

“Tatay ko talaga, simpleng mamamayan lang. Feeling ko sa kanya ko nakuha yung sense of humor ko at saka hilig sa pagkanta. 

“Kasi kung mahilig ako sa videoke, mas malala siya. And I think my dad, he has always been that quiet supporter. 

Baka Bet Mo: MANANG-MANA KA SA TATAY MO! Lexi Gonzales naging matapang tulad ni Papa

“Feeling ko namana ko sa kanya…kasi mommy ko ma-PR. So feeling ko namana ko sa kanya na hindi ko magiging ma-PR na nasa isang gilid lang, pero laging naka-support,” pagbabahagi ng award-winning singer-songwriter.

Hirit naman ng asawa niyang si Liza Diño, “And he’s never missed a show, mapamaliit o malaki, laging siya nandiyan.”

Pagpapatuloy ni Ice, “Ako, feeling ko marami akong ugali niya na nakuha ko na hindi ko alam na, like now, yung…oh my gosh!  Ngayon ko na-realize.

“Yung daddy ko noon, asar na asar ako sa kanya kasi pag papasok ako sa kwarto niya, ang daming mga nakapatong na mga bagay-bagay sa kama. Oh my God! Ayun ako ngayon,” saad pa niya.

Sey uli ni Liza, “Oh my God! Yung headboard namin, parang hindi mo pwedeng galawin kasi may mga gamot, may maliliit na kung anu-ano.

“Mahilig kasi siya sa mga small things, may mga makikita ka talaga sa kwarto, like batang-bata yung trip niya. Lego, mga kung ano-anong maliliit na bagay,” ani Liza.

Dagdag ni Ice, “So ngayon ko lang nalaman na I’m so much like my dad. And he’s very loyal, he keeps a very small group of friends. Loyal sa mga kaibigan niya. So yeah, I think I’m very much like my dad.” 

Sa isang Instagram post noon ni Ice, dalawang taon mula nang pumanaw ang ama, mababasa ang mensahe niyang, “Nauna ka na para makipag mahjong at bidyoke sa langit. 

“Miss pa rin kita kaya nalulungkot pa rin ako kapag naiisip kita. Pero alam kong happy ka diyan atsaka alam ko rin na kahit hindi na kita nakakausap, parati kang nasa puso ko.

“I love you, Pogi. Missing you always.”

The post MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Ice Seguerra, Daddy Dick adik sa videoke appeared first on Bandera.


Uploaded Image
MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Ice Seguerra, Daddy Dick adik sa videoke MANANG-MANA KA SA TATAY MO: Ice Seguerra, Daddy Dick adik sa videoke Reviewed by pinoyako on June 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close