BREAKING NEWS

Karylle naloka sa Senate drama, bet kausapin si Robin Padilla

Karylle naloka sa Senate drama, bet kausapin si Robin Padilla

NAGHAYAG ng saloobin ang Kapamilya actress at singer na si Karylle hinggil sa kanyang pagkadismaya sa nangyaring drama sa Senado kamakailan.

Sa kanyang naging panayam sa radio program na “Good Times” ni Mo Twister noong Martes, Kune 16, ibinahagi niya ang opinyon sa mga pangyayari sa mga senador na kinabibilangan ng kanyang tiyuhin na si Sen. Robin Padilla.

Matagal nang hayagang nagsasalita si Karylle tungkol sa pulitika, lalo na sa mga kamakailang kaganapan, kabilang ang mga pagbabago sa pamunuan at mga kontrobersyal na ginawa ng ilang senador.

“It’s just taking too long and they wasted so much time with all this drama,” saad ng singer-actress.

Baka Bet Mo: Karylle na-trash talk nang subukang maglaro ng ‘Mobile Legends’

Pagpapatuloy ni Karylle, “Go to work, be efficient, things need to be done. People are dying because of the corruption. I’m so mad like iharap niyo sa amin yan–– asan na ang mga yan?”

Aniya, dapat lang daw na gawin na lang ng mga senador ang tungkulin sa bayan at sa taumbayan.

“Pumasok kayo. Tapos hoy ang galing galing nung isa pumasok siya kasi hindi niya na daw kinaya. Like this guy had an announcement video about why it’s important to go to work and it’s not about taking sides–– just go to work and do your job. Wala ng explain explain,” sabi pa ni Karylle.

Samantala, bukas naman daw ang “It’s Showtime” host sa pakikipag-usap kay Robin na kanyang tiyuhin hinggil sa pagiging senador nito.

“The last time I saw him was my grandfather’s birthday and none of this occurred at that point. But, you know, if I do see him, I would have a conversation, sey ni Karylle.

Dagdag pa niya, “That’s why also I don’t like closing doors and doing periods. I love conversations. If I do see him, I will talk to him about it and I will let you know.”

Bagama’t hindi pa niya nakakausap si Robin, ibinunyag ni Karylle na minsan na niyang nakausap noon ang asawa nito na si Mariel Rodriguez.

Matatandaang nauna nang nagpaalala ang “It’s Showtime” host na msgimg maingat at matalino sa pagpili ng kanilang iboboto at hinikayat ang mga pulitiko na dumalo sa mga debate upang malaman ng publiko ang kanilang mga posisyon sa iba’t ibang usaping pampulitika.

“Let’s educate the voters and make sure that we are all educated… As a voter, you should use your own brain. Discernment, I think, is the word I like. Even in religion, you have to discern for yourself,” sey pa ni Karylle.

The post Karylle naloka sa Senate drama, bet kausapin si Robin Padilla appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Karylle naloka sa Senate drama, bet kausapin si Robin Padilla Karylle naloka sa Senate drama, bet kausapin si Robin Padilla Reviewed by pinoyako on June 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close