BREAKING NEWS

Ian de Leon bumuwelta kay Lotlot de Leon: Enough with the lies? You stop!

Ian de Leon bumuwelta kay Lotlot de Leon: Enough with the lies? you stop!

DIRETSAHANG sinupalpal ng aktor na si Ian de Leon ang mga pahayag laban sa kanya ng kapatid na si Lotlot de Leon matapos siyang tawaging “sinungaling” kaugnay sa isyu ng mana mula sa yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Sa pamamagitan ng sunud-sunod na Facebook stories, sinagot ng aktor ang isyu tungkol sa isyu sa kanilang magkakapatid.

“After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kase baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using mom’s name?” saad ni Ian.

Aniya, hindi siya tumangging makiisa ngunit sinabi niyang dapat ayusin muna ang mga legal na dokumento bago ito ilunsad.

Baka Bet Mo: Lotlot de Leon napaiyak sa galit kay Ian de Leon: He can have it all!

“That time, I said I’m not ready to commit dahil gusto kong ayusin muna nila yung legal papers niyan. I know the plans and my suggestion to them is that fix the legalities first before launching it. Days and days after launching, I was monitoring their SEC registration but it’s still not yet up,” pagpapatuloy ni Ian.

Inilahad rin niya ang dahilan kung bakit naglabas siya ng official statement para maprotektahan ang kanyang pamilya.

Kuwento ni Ian, “The staff of a significant figure even informed us that they donated and may nilapitan pa silang isang malaking tao. Also the office informed us but they hesitated to donate, which made me post a statement to protect my family in case of any legal problems.

“Gusto nyo akong i-entrap during 1 event to sign something without telling right away what our dinner is all about. That’s why pala you have your lawyers with you. Thankfully, this person [asked] us for dinner that I can’t decline.”

Iginiit rin ni Ian na sinabihan niya ang mga kapatid at um-attend pa nga ito sa kanilang online meeting.

“Who put down the siblings? Did you even watch the whole show before reacting?” sabi pa ni Ian.

Lahad ng aktor, hindi siya basta-basts nagpapaunlak ng panaya at ang naging guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay bahagi lamang ng Father’s Day special episode ng programa.

“Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad,” diin ni Ian.

Sa kabila ng pangyayari ay sinabi niyang itinuring niyang kapatid si Lotlot at hanggang ngayon ay tinatawag pa rin niya itong “Ate.”

Nagtataka lang daw si Ian kung bakit siya ang lumalabas na madamit sa mata ng madlang pipol.

“After the state funeral, when 5 of us are talking, I was clear that I told you guys na tulong tulong tayong lima dito at maging transparent sa isa’t isa, and everything will take time, and everything will be equally divided, pero ang pinalabas is madamot ako. Why?”

“Sino ang may inaagaw? I didn’t say na may inaagaw kayo. Why say that? To put me down?” sey pa ni Ian.

Matatandaang naging emosyonal so Lotlot matapos ang naging panayam ng nakababatang kapatid sa FTWBA kung saan napag-usapan ang isyu sa kanilang pamilya.

Hindi na nga nakapagtimpi pa si Lotlot at binuweltahan si Ian sa naganap na story conference ng pelikulang “40 Days”.

Umiiyak na nagbahagi si Lotlot at sinabing galit siya sa mga “kasinungalingan” ng kapatid.

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag sina Lotlot, Matet, at iba pang kapatid sa mga bagong pahayag ni Ian.

The post Ian de Leon bumuwelta kay Lotlot de Leon: Enough with the lies? You stop! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Ian de Leon bumuwelta kay Lotlot de Leon: Enough with the lies? You stop! Ian de Leon bumuwelta kay Lotlot de Leon: Enough with the lies? You stop! Reviewed by pinoyako on June 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close