Reklamo ni Awra Briguela sa isang propesor, iimbestigahan ng UdM
MAGKAKAROON ng imbestigasyon ang Universidad de Manila sa faculty member nilang inireklamo ng social media personality na si Awra Briguela.
Mararandaang nauna nang dumulog ang dating child actor sa pamunuan ng naturang unibersidad upang ireklamo ang isang propesor na sinabihan siyang “lalaking may b*rat”.
Ayon sa lumabas na ulat nitong Miyerkules, May 27, inihayag ni UdM President Felma Carlos-Tria na nasa pamamahala na nila ang reklamo ni Awra at nila katuwang ang Gender and Development (GAD) Office.
“As an academic institution, the University does not condone behavior or expressions that may be perceived as discriminatory, demeaning, or harmful to any individual,” saad ni Tria.
Baka Bet Mo: Awra Briguela umalma, tinawag ng propesor na ‘babaeng may b*rat’
Dagdag pa niya, habang gumugulang ang imbestigasyon sa reklamo ni Awra, mananatili ang UdM sa obligasyon nitong magpatupad ng ligtas, magalang, at inklusibong kapaligiran, anoman ang gender identity, gender expression, o sexual orientation.
Samantala, nakapagbigay na ang initereklamong propesor ng kaniyang panig bilang tugon sa natanggap na notice to explain.
Matatandaang sinita noon ni Awra ang propesor dahil sa naging komento umano nitong “babaeng may b*rat” sa isang public post tungkol sa kaniya.
The post Reklamo ni Awra Briguela sa isang propesor, iimbestigahan ng UdM appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 27, 2026
Rating:

No comments: