BREAKING NEWS

BINI bet gawing tourism ambassadors ng Pilipinas —DOT

BINI bet gawing tourism ambassadors ng Pilipinas —DOT

IBINANDERA ng Department of Tourism (DOT) ang masayang balita na aktibo silang nakikipag-ugnayan sa Nation’s girl group na BINI para maging tourism ambassadors ng Pilipinas.

Sa naging panayam ni DOT Secretary Dita Angara-Mathay nitong Martes, May 26, ibinahagi niyang parte ng kanilang negosasyon ay ang pagrepresenta ng girl group sa Coachella last month.

Baka Bet Mo: BINI may ‘gap’ kay Sandro Marcos; nagpasalamat sa Kamara

“We’re so proud that they [BINI] unfurled the flag on the stage of Coachella. We congratulate them,” saad ni Mathay. 

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag mula sa kampo ng Nation’s Girl Group patungkol sa request ng DOT dahil mukhang abala ang walo sa paghahanda para sa kanilang world tour.

Matatandaang hindi naman ito ang unang pagkakataon na maiugnay ang BINI para maging tourism ambassadors ng bansa.

Marami sa mga faney ang nagsabing dapat lang na i-represent ng girl group ang bansa lalo na’t kinikilala na rin sila sa ibang bansa.

May mga supporters rin na nag-edit ng video ng magagandang puntahan sa Pilipinas gamit ang kantang “Pantropiko” ng BINI.

Dahil rin sa kanilang global performance ay pinarangalan ang walo sa Senado, Kongreso, at ng DOT sa pagiging first Filipino group act na nakapagtanghal sa Coachella.

The post BINI bet gawing tourism ambassadors ng Pilipinas —DOT appeared first on Bandera.


Uploaded Image
BINI bet gawing tourism ambassadors ng Pilipinas —DOT BINI bet gawing tourism ambassadors ng Pilipinas —DOT Reviewed by pinoyako on May 27, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close