Apple David nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon kay Chad Gammad
HUMINGI ng tawad ang viral courtside reporter na si Apple David sa mga na-offens sa kanyang pakikipagrelasyon sa 18-year-old basketball player na si Chad Gammad.
Matatandaang kamakailan lang nang mag-viral ang 34-year-old courtside reporter sa pagpatol nito sa basketbolista na halos kalahati lamang ng kanyang edad.
Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang naturang balita at sinabing “predator” daw si Apple dahil pumatol ito sa mas bata sa kanya.
Marami rin ang bumatikos at sinabing dapat raw ay mas alam ng dalaga ang tama dahil nasa husto na itong gulang.
Baka Bet Mo: Apple David tinawag na ‘predator’, pumalag sa bashers nila ni Chad Gammad
Mas uminit pa ang usapin dahil pumatol pa si Apple sa isyu at sinabing: “Masama bang bigyan ng chance? Nag-click eh. Anong gagawin ko?”
Matapos ang natanggap na backlash ay tuluyan nang humingi ng tawad ang dalaga.
“But it’s a risk we are both taking and I hope people can be kind enough to allow us to do that in peace,” saad ni Apple sa ulat ng “Frontline Pilipinas”
Pagpapatuloy niya, “Sa mga tao po na nakakaintindi, sa mga tao po na sumusuporta, maraming maraming salamat po sa inyo.”
Hiling naman ni Apple ang pagrespeto ng madlang pipol sa kanilang relasyon.
“Sa mga na-offend, we’re sorry but we just ask for respect as this should be a happy time for us,” sey ni Apple.
Pag-amin niya, isang buwan na silang nasa dating stage.
The post Apple David nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon kay Chad Gammad appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 27, 2026
Rating:

No comments: