Andrea Brillantes ilalabas kantang ‘Laguna’, patama kay Ricci Rivero?
USAP-USAPAN ngayon ng madlang pipol kung patama ba ni Andrea Brillantes sa kanyang ex-dyowa na si Ricci Rivero ang bagong kanta niyang ilalabas.
May pa-teaser kasi si Ramona sa Instagram, ang “alter ego” ng aktres, ng new single na may titulong “Laguna”.
“Kumusta dyan sa Laguna? Nag-e-enjoy ka bang kasama siya?” kanta ni Andrea sa naturang teaser.
Caption pa sa post, “Kamusta dyan sa Laguna?
By the way, lalabas yung Official Lyric Visualizer ng ‘Laguna’ this May 29, 12NN sa YouTube ko. Subscribe kung trip niyo.”
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes sinasadya bang magdyowa lagi ng basketball player?
Agad namang umani ng samu’t-saring komento mula sa madlang pipol ang bagong labas na single ng “alter ego” ni Andrea.
May mga naghihinuhang patama ito sa dating karelasyong si Ricci na diumano’y nakipag-date kay Leren Mae Bautista na isang beauty queen-politician mula sa Laguna.
“Andrea in her singing era,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Ooohhh love the shade! BWAHAAHAHAHHA Ms. Laguna.”
“Aliw si Andrea. Sinabay pa talaga sa birthday ni guy! Perfect!” sabi naman ng isa.
Hirit pa ng isa, “Basta ang masasabi ko lang happy birthday Laguna boy!”
Matatandaang naging kontrobersyal ang paghihiwalay nina Andrea at Ricci matapos kumalat ang chika na may third party.
Pinabulaanan naman ito nina Ricci at Leren.
The post Andrea Brillantes ilalabas kantang ‘Laguna’, patama kay Ricci Rivero? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 27, 2026
Rating:

No comments: