Yasser Marta proud ‘Jesus Christ’ kahit Muslim: Honored to tell His story!

FEELING thankful and grateful ang Kapuso hunk actor na si Yasser Marta sa pagganap bilang si Jesus Christ sa naganap na Senakulo sa Angeles, Pampanga.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng binata ang mga litrato na kuha sa pinagbidahang Senakulo nitong nagdaang Holy Week.
Aniya, kakaibang karanasan ang pagganap bilang Hesukristo na pangarap daw niya noong bata pa lamanng siya.
"Honored to tell His story. Maraming salamat po," ang mababasa sa caption ng aktor sa kanyang post.
In fairness, super proud naman kay Yasser ang kanyang girlfriend at kapwa Kapuso na si Robb Guinto.
"Galing galing mo mahal! Proud of you," ang comment ni Robb sa IG post ng kanyang boyfriend.
"I love you so much mahal!" ang mensahe naman ni Yasser kay Robb.
Sa isang interview, sinabi ng aktor na wala namang "violent" reaction o reklamo ang mga kapwa niyang Muslim sa pagganap niya bilang Hesukristo sa Senakulo.
Isa kasing proud Muslim si Yasser at may dugo ring Tausug at Portuguese.
"I'm just doing my job. Mahal ko yung ginagawa ko. Yung pagiging Kristo ay ibibigay ko rin yung buong puso ko doon," ang sey ni Yasser sa naturang interview.
The post Yasser Marta proud 'Jesus Christ' kahit Muslim: Honored to tell His story! appeared first on Bandera.

No comments: