Estudyante tumalon sa LRT-1 FPJ station

ISANG estudyante ang tumalon mula sa mataas na bahagi ng Fernando Poe Jr. Avenue Station ng LRT-1 nitong Miyerkules, February 11, 2026.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga guwardiya ng LRT bago ang pagdating ng mga pulis, isang mag-aaral mula sa Philippine Christian University ang naturang mag-aaral base na rin sa nakuhang identification card.
Tinatayang nasa tatlong palapag ang tinalon ng estudyante sa naturang istasyon.
Baka Bet Mo: Estudyante inireklamo diskriminasyon sa graduation ng mga walang honors
Makikita naman ang pagbagsak ng estudyante mula sa LRT station at nasapul ng dumaraang sasakyan sa isang viral dashcam video na kalat na ngayon sa social media.
Ayon naman sa Metropolitan Manila Devopment Authority (MMDA), nakaladkad umano ng naturang sasakyan ang katawan ng mag-aaral mula sa pinaniniwalaang pinagbagsakan sa northbound lane ng EDSA patungong Balintawak at Monumento.
Makikitang sa unang sandali ay gumagalaw pa ang estudyante.
Bandang 10:57 ng umaga ay tumigil na ang paggalaw kaya itinigil na rin ang resuscitation kahit hindi pa ito idineklarang patay ng first responder.
Ayon sa isang saksi na isang jeepney dispatcher, una niyang inakala na piraso lamang ng damit ang nahulog mula sa itaas ng istasyon ng LRT.
Kinumpirma naman ng ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang naturang insidente sa pamamagitan ng isang pahayag.
"LRMC confirms an incident involving a male individual at LRT-1 Fernando Poe Jr. Station earlier today," saad ng pamunuan ng LRT-1.
Ayon pa sa kanila, bandang alas-10:30 ng umaga nang tumalon ang lalaki mula sa platform patungong kalsada sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).
Tiniyak ng LRMC na patuloy ang pakikipagtulungan nila sa mga awtoridad at nagpaabot rin ng kanilang pakikiramay sa naulilang pamilya.
Samantala, nananatili namang operational ang LRT-1 sa kabila ng pangyayari
The post Estudyante tumalon sa LRT-1 FPJ station appeared first on Bandera.

No comments: