BREAKING NEWS

Bea Borres tinanggap luxury bag na bigay ng ex-dyowa, nagkaayos na?

Bea Borres tinanggap luxury bag na bigay ng ex-dyowa, nagkaayos na?

USAP-USAPAN ngayon sa online world kung tuluyan na bang nagkaayos ang social media personality na si Bea Borres at ang ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Baby Hopea.

Sa kanyang Instagram story ay ibinandera ng vlogger ang larawan ng kanyang baby habang katabi nito ang isang pink Hermes Kelly bag.

"Thank u mommyla @i_pechera for Baby Hopea's first bag," saad ni Bea.

Pahabol niya, "…and Daddy."

Baka Bet Mo: Bea Borres nabastusan sa transwoman na 'nireregla' raw at 'nabuntis'

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa madlang pipol maging sa ilang kaibigan ni Bea gaya na lang ni Melissa Enriquez at Senyora.

"Hala ok na pala sila. Parang hindi siniraan dati eh," saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, "Hala? Akala ko ba di na babalikan Bea B? What is the meaning of this?"

"The world is healing," sani naman ni Melissa.

Samantala, ibinahagi naman ni Bea ang screenshot ng usapan nila ni Senyora.

Dito ay nilinaw niya na walang naganap na balikan sa pagitan nila ng daddy ng kanyang anak.

"No balikan & co parenting. Just accepting sustento," giit ni Bea.

The post Bea Borres tinanggap luxury bag na bigay ng ex-dyowa, nagkaayos na? appeared first on Bandera.


Bea Borres tinanggap luxury bag na bigay ng ex-dyowa, nagkaayos na? Bea Borres tinanggap luxury bag na bigay ng ex-dyowa, nagkaayos na? Reviewed by pinoyako on March 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close