Inflation rate tumaas sa 2.4% noong February 2026

TUMAAS ang inflation rate ng Pilipinas ng 2.4% ngayong February 2026 ayon sa naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa ibinahaging datos ng ahensya nitong Huwebes, March 5, makikita ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin pati na rin ang iba't-ibang serbisyo sa bansa.
Matatandaang noong January 2026, nasa 2.0% ang inflation rate na nangangahulugang maa mababa ng 0.4% sa naitala sa buwan ng Pebrero.
Base naman sa tala noong February 2025 mas mataas pa rin ngayong February 2026 dahil nasa 2.1% ang implasyon noong nagdaang taon.
Baka Bet Mo: Lea Salonga sinupalpal sa isyu ng inflation: Mayaman ka kasi!
"The Philippines' headline inflation or overall inflation increased to 2.4 percent in February 2026 from 2.0 percent in January 2026. In February 2025, the inflation rate was observed at 2.1 percent," lahad ng PSA.
Ilan sa mga main drivers ng patuloy na pagtaas ng implasyon ay ang housing, electricity, water, at gas.
Ito na rin ang ikatlong sunod na pagtaas ng inflation rate mula noong November 2025.
The post Inflation rate tumaas sa 2.4% noong February 2026 appeared first on Bandera.

No comments: