Kuya Kim Atienza nagmalasakit sa netizen, inimbitahan sa Tiktoclock

MARAMI ang naantig ang puso sa ginawa ng GMA trivia master na si Kuya Kim Atienza sa isang netizen.
Isang netizen kasi ang naghayag ng nakababahalang post nitong Huwebes, March 5, at tila pasuko na sa buhay.
"Mama, Papa, hindi ko na po kaya. Sorry po," saad ng netizen.
Baka Bet Mo: Kuya Kim may bagong tattoo bilang alaala ni Emman Atienza
Makikita naman sa replies ang komento ni Kuya Kim na tila binibigyan ng pag-asa ang naturang netizen.
"Watch Tiktoclock live next week as my guest? I'll wait for you ok?" saad ng Kapuso host.
Marami naman ang agad nakapansin sa naturang post at agad umani ng samu't-saring komento ang pagre-reply ni Kuya Kim.
"Maaaaaannn.. I don't even know what to say anymore. you're a good man kuys, I'm thankful that people like you exist in this world, especially you," saaad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "And then I saw Kuya Kim helping out someone's kid who's struggling while he himself is still grieving from his loss."
"I got goosebumps thank you for this kuya kim I know it's a big help for him he will feel how to be seen," sabi ng isang netizen.
Giit pa ng isa, "Imagine grieving pero yung heart nya full of wisdom. It takes a lot of courage to do that. Lakas ng pananampalataya neto, grabe! Sana ako dn kasing tapang mo."
Matatandaang noong October 2025 nang mamatay ang bunsong anak ni Kuya Kim na si Emman Atienza.
Ang ginawa ni Kuya Kim ay pumukaw sa puso ng netizen dahil sa pagnanais nitong magsalba ng isa pang buhay na nanganganib nang sumuko, bagay na marahil ay kanyang gagawin para sa bunsong anak.
The post Kuya Kim Atienza nagmalasakit sa netizen, inimbitahan sa Tiktoclock appeared first on Bandera.

No comments: