Luis Manzano sa malisyosong chika sa kanila ni Alex Eala: Walang iyakan, ha!

TILA nagbanta ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano laban sa isang social media page na walang pakundangang naglabas ng malisyosong balita tungkol sa kanila ni Alex Eala.
Inalmahan ni Luis ang ipinost ng online site na "Flow Tennis" kung saan mababasa ang pekeng balita tungkol sa kanila ng sikat na Filipino professional tennis player.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinahagi ni Luis ngayong araw, February 11, ang screenshot ng naturang fake news mula sa FB page na "Flow Tennis."
Pinalalabas ng naturang site na kung anu-anong batikos at masasamang salita ang inihayag ng TV host laban kay Alex.
Baka Bet Mo: Luis Manzano nagsalita na rin sa nakakalokang 'power couple' blind item
"Tempers exploded when Luis Manzano launched a blistering tirade at tennis star Alex Eala, sparking outrage acroos sports and political circles after her recent losses," ang nakasaad sa post ng Flow Tennis.
Ang resbak naman ni Luis sa naturang page, "Paki-report si Flow Tennis hahahahaha, sure ka sa gusto mo mangyari flow tennis ha?"
"Flow Tennis – walang iyakan ha o public apology ha?" ang pahayag pa ng TV host sa comment section ng kanyang post.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksyon at opisyal na pahayag ang nasabing Facebook page hinggil sa pagbabanta ni Luis.
Noong nakaraang linggo, nabiktima rin ng fake news ang award-winning veteran broadcast-journalist na si Mel Tiangco matapos lumabas ang balitang ininsulto raw niya si Alex.
Mariin itong pinabulaanan ng Kapuso news anchor.
The post Luis Manzano sa malisyosong chika sa kanila ni Alex Eala: Walang iyakan, ha! appeared first on Bandera.

No comments: