BREAKING NEWS

Willie Revillame isa sa mga bidders sa luxury cars ng mga Discaya

Willie Revillame isa sa mga bidders sa luxury cars ng mga Discaya

ISA ang TV host na si Willie Revillame sa mga nasa registered bidders ng mga ibinibentang luxury cars ng controversial contractors na sina Sarah at Curlee Discaya.

Sa naganap na auction ng Bureau of Customs nitong Miyerkules, February 11, walo sa sampung ipapasubasta na mga sasakyan ay pag-aari ng mag-asawang Discaya.

Bagamat hindi present si Willie sa naturang auction, naroon naman ang kanyang representative na si Christian James Ronquillo Lina.

Ang walong sasakyan na isinusubasta ay ang: Lincoln Navigator (2024), GMC Yukon Denali (2022), Cadillac Escalade (2021), Maserati Levante Modena (2022), GMC Yukon XL Denali (2022), Cadillac Escalade ESV (2022), Rolls-Royce Cullinan (2023), Bentley Bentayga (2022).

Baka Bet Mo: Willie Revillame naimbyerna sa staff sa dryrun ng bagong show

Ang natitira namang dalawa pang sasakyan ay Buggari Chiron.

Bukod kat Willie, isa rin sa kilala sa listahan ng bidders ay si Pio Velasco mula sa Igorot Stone Kingdom Inc. at ang R33 Car Exchange Corp.

Ang kikitaing pera mula sa naturang auction ay gagamitin pada sa mga programa ng pamahalaan.

Sa 10 sasakyan, tanging ang Rolls-Royce Cullinan (2023) lamang ang nakuha sa bidding. Ito ay napanalunan ng Igorot Stone Kingdom Inc. sa halagang P29,026,000.00.

The post Willie Revillame isa sa mga bidders sa luxury cars ng mga Discaya appeared first on Bandera.


Willie Revillame isa sa mga bidders sa luxury cars ng mga Discaya Willie Revillame isa sa mga bidders sa luxury cars ng mga Discaya Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close