BREAKING NEWS

SexBomb Izzy naglabas ng resibo tungkol sa anak na transwoman na si Sofia

SexBomb Izzy naglabas ng resibo tungkol sa anak na transwoman na si Sofia
Sofia Trazona at Izzy Trazona-Aragon

WALANG bahid ng katotohanan na dedmahan at hindi pa rin nag-uusap ang original SexBomb Girl na si Izzy Trazona-Aragon at anak na transwoman na si Sofia Trazona.

Napilitang maglabas ng ebidensiya si Izzy para patunayan na okay sila ng anak sa gitna ng pamba-bash at panghuhusga na naman sa kanya bilang ina.

Ito'y matapos ngang mag-post si Sofia (o Andrei Trazona) sa kanyang X account tungkol sa estado ng relasyon nila ng ina kung saan inamin niyang hindi pa rin sila nagkikita nang personal at nagkakausap nang masinsinan.

May mga nagtatanong kasi kay Sofia na kilala bilang isang drag queen, kung kumusta na sila ngayon ni Izzy na nagkaroon ng surprise appearance sa reunion concert ng SexBomb Girls kamakailan.

"No. di na po kami nagkikita ni mama. i also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko and ayoko na bumalik sa dark place nung lumabas yung issue.

"I just want validation and acceptance. wala ng iba," ang sagot ni Sofia sa kanyang post. 

"It's honestly so sad na di na ko nakakapunta sa mga reunion sa mom's side, even birthdays kase whenever pumupunta ako lagi lang akong pinag-uusapan and pinagkakaisahan," aniya pa.

Dahil nga rito ay na-bash na naman nang bonggang-bongga si Izzy kaya naman nag-post siya sa Instagram ng screenshot ng huling palitan nila ng mensahe ni Sofia.

"Ayoko na sana i-public ito, pero ang dami na naman lumalabas at nagcocomment even if they don't know the truth behind…palaging ganern. 

"Dapat po wag ganon hehe. Pero pipilitin ko pa din intindihin ang mga people.

"Here is the last convo of my son and I. God bless po! #byHisstrength #bygrace," ang pahayag ni Izzy.

Mababasa sa screenshot ang pag-congratulate ng drag artist sa kanyang ina sa guesting nito sa SexBomb dance concert.

"I'm so happy and proud of you!! in spite of everything you still (stuck) to what you know is right. naiiyak lang ako na nakita ko na nasa concert ka with your friends," sey ni Sofia sa ina.

Nag-reply si Izzy sa kanya ng, "Salamat anak by His strength always. I miss you! Continue to be strong praying for you always. Mag-ingat ka palagi. I love you."

"Imissyou super! pinagpapray kita palagi… iloveyoutoo!!" sagot naman ni Sofia.

Samantala, may paglilinaw naman si Sofia sa nauna niyang post sa X, "Dear don't misinterpret the tweet… ang sinabi ko is di na kami nagkikita and pag nakita niya ako na travel na natatakot ako na baka iba yung reception na mareceive ko." 

"But it doesn't mean na di ako nag tatry mag reach out," dugtong ni Sofia.

The post SexBomb Izzy naglabas ng resibo tungkol sa anak na transwoman na si Sofia appeared first on Bandera.


SexBomb Izzy naglabas ng resibo tungkol sa anak na transwoman na si Sofia SexBomb Izzy naglabas ng resibo tungkol sa anak na transwoman na si Sofia Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close