Robb Guinto, Yasser Marta lumantad: Nagkatuta na!

ALIW na aliw ang mga netizens sa mga pampa-good vibes post sa social media ng rumored couple na sina Robb Guinto at Yasser Marta.
Tulad na lang ng naging hirit ng dating Vivamax star sa mga naughty comments ng netizens patungkol sa relasyon nila ni Yasser.
Sa isang Facebook post ni Robb mapapanood ang video nila ni Yasser habang ginagawa ang "Big Guy" trend.
"Habibi," ang tanging caption ni Robb sa kanyang FB post. Kung anu-anong pilyo at double meaning na komento ang ipinost ng kanyang followers.
Hirit naman ni Robb sa comments section, "Ano na naman iisipin nyo?" Kasunod nito, ibinahagi ng sexy star ang litrato ni Yasser na may kargang tuta at pusa.
Hirit uli ni Robb, "Nagkatuta na opo with pussycat pa. Okay na ba kayo?"
Wala pang kumpirmasyon sina Yasser at Robb tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero naniniwala ang kanilang fans na magdyowa na nga sila base sa sweet photos nila sa socmed.
The post Robb Guinto, Yasser Marta lumantad: Nagkatuta na! appeared first on Bandera.

No comments: