‘SexBam’: Bam Aquino ‘naki-Get, Get, Aw!’ sa SexBomb concert

MAINIT ang naging pagtanggap kay Sen. Bam Aquino ng mga nanonood sa "Get Get Aw! The SexBomb Concert rAWnd 3" sa SM Mall of Asia Arena kamakailan.
Sa kanyang pagpapakita ng suporta sa iconic girl group, malakas na sigawan at palakpakan ang sumalubong kay Sen. Bam at sa kanyang asawang si Timi habang papunta sa kanilang upuan at sinamahan ang sold-out crowd sa panonood ng blockbuster concert.
Ilang beses ding sumigaw ang maraming manonood ng "SexBam!" – na kumbinasyon ng pangalan ng grupo at pangalan ng senador – at hinamon pa si Sen. Bam na ipakita ang kanyang dance moves.
Naglaan din ng panahon si Sen. Bam, na nakaupo sa tabi ni Arthur Solinap, asawa ni SexBomb leader Rochelle Pangilinan, at kanilang anak na si Shiloh, para makipag-selfie sa manonood bago magsimula ang concert.
Bago ang successful show, bumisita rin si Sen. Bam at kanyang misis na si Timi sa dressing room ng SexBomb kung saan nagkaroon ng pagkakataong makapagpakuha ng litrato kasama ang mga miyembro ng grupo.
"Ready na mag-Get, Get, Aw!" ang caption ni Sen. Bam sa kanyang Facebook post.
Nagbahagi rin ang senador ng ilang photos mula sa concert, kasama ang caption na, "GV muna after a long week. Fan mode muna at naki-Get, Get, Aw! sa early-2000s pop icons na SexBomb. Maraming salamat at congrats sa isang napakasaya at very successful na Rawnd 3!"
Sa hiwalay na post, nagbahagi rin si Sen. Bam ng video collage na nagpapakita ng ilang highlights ng concert.
"Napasabak sa pag-Get, Get, Aww kagabi sa SexBomb Concert Rawnd 3. Sobrang enjoy! So far, okay pa naman ang likod ko," sey pa ng senador.
The post 'SexBam': Bam Aquino 'naki-Get, Get, Aw!' sa SexBomb concert appeared first on Bandera.

No comments: