BREAKING NEWS

Dancer-host ng ‘Wilyonaryo’ trending, tit* ang nasabi imbes na ticket

Dancer-host ng 'Wilyonaryo' trending, tit* ang nasabi imbes na ticket

TRENDING ngayon sa social media ang isa sa mga dancer-host ng bagong game show ni Willie Revillame na "Wilyonaryo" matapos magkamali ng nasabing salita habang naka-live on air ang programa.

Para sa mga hindi aware, ang "Wilyonaryo" ay umeere tuwing tanghali na kabangga ang "It's Showtime" at "Eat Bulaga" na mapapanood sa WilTV, Cignal Play, SatLite, at sa mismong social media platforms nito.

Going back sa dancer-host na nakilala bilang si Elay, mukhang kabado ang babae dahil sa halip na "ticket" ay "titi" o ang pribadong bahagi ng katawan ng lalaki ang nasabi nito.

Tinawag ni Kuya Will si Elay sa harapan na nagsasayaw sa saliw ng kantang "Buksan Mo" at binigyan ng mic.

Baka Bet Mo: Willie Revillame umaming wala nang sex life: Patay na siya!

Inutusan nga ni Kuya Will si Elay na batiin ang mga manonood at dito na nga nagkamali ng bigkas ang babae.

"Happy Thursday, everyone! Luzon, Visayas, at Mindanao! Hawakan na ang mga titi… hawakan na ang mga ticket at tumutok sa Wilyonaryo!" natatawang sabi niya.

Agad namang to the rescue si Kuya Wil at kinuha ang mic sa dancer-host.

"Hawakan ang mga ticket, that's right!" sey ni Willie sabay pinaulit ang mga sinabi kay Elay.

Well, mukha namang chill lang ang host at hindi pinagalitan ang dancer sa kabila ng nangyari.

The post Dancer-host ng 'Wilyonaryo' trending, tit* ang nasabi imbes na ticket appeared first on Bandera.


Dancer-host ng ‘Wilyonaryo’ trending, tit* ang nasabi imbes na ticket Dancer-host ng ‘Wilyonaryo’ trending, tit* ang nasabi imbes na ticket Reviewed by pinoyako on March 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close