BREAKING NEWS

Ferdie Topacio pinagnasaan si Sarah Elago: Naamoy ko noong hearing

Ferdie Topacio pinagnasaan si Sarah Elago: Naamoy ko noong hearing

INAMIN ni Atty. Ferdie Topacio na minsan na niyang "pinagnasaan" si Rep. Sarah Elago ng Gabriela Partylist noon.

Sa kanyang programa sa DWIZ News na "Yes… Yes… Yo! Topacio" noong Huwebes, March 5, inihayag niya kung paano niya "pinagnasaan" ang mambabatas nang minsan niya itong makita sa isang pagdinig.

"Ako dati, pinagnasahan ko rin si Sarah Elago, e. Naamoy ko noong hearing namin sa DOJ," saad ni Topacio.

Aniya, wala siyang pake kung magalit man ang publiko sa kanyang ibinabahaging kuwento.

Baka Bet Mo: Jasmine Curtis nanggigil kay Atty. Ferdie Topacio: Dugyot ka!

"Magalit na kayo kung magagalit kayo sa akin. I don't care. Kasi talagang ako, suklam na suklam sa hypocrisy, kaplastikan. Kasi I always say what I mean and I mean what I say," pagpapatuloy pa ni Topacio.

Kasunod nito ay ang pagpapasaring ng abogado kay Elago sa umano'y pananahimik nito sa pare-recruit daw noon ng Kabataan Party-list sa mga kababaihan na diumano'y nahalay.

"'Yong mga nire-recruit ng Kabataan Partylist na na-rape, Sarah Elago, anong sinabi mo? May sinabi ka ba? Wala Napakalaking hipokrito niyang si Sarah Elago," sey ni Topacio.

Dagdag pa niya, "'Yong complaint namin kay… sa Lucena, ini-empower n'yo pagre-recruit ng mga babae. Inaabuso doon sa bulubundukin. Wala kayong sinasabi. 'Yan ang sinasabi kong punumpuno ng hipokrito ang House of Representatives." 

Ang mga pahayag ni Topacio ay lumabas matapos niyang kampihan si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa "nag-init" ststement nito patungkol sa "It's Showtime" host na si Anne Curtis.

Giit niya, wala naman daw masama sa mga pahayag ni Suntsy.

Bago nito, matatandaang matatandaang nauna na ring maghayag ni Topacio sa kaniyang programang  ng DWIZ News noong Huwebes, Marso 5, 2026, ng kaniyang tila pagkampi sa naging pahayag kamakailan ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay tungkol sa artista at "It's Showtime" host na si Anne Curtis-Smith.

"Inimagine lang, sinabi lang kasi. For relevant 'yon, Sarah Elago. Kasi ang sinasabi ni Congressman Suntay, no one should be called to account legally or criminally for what he is thinking," lahad ni Topacio.

"Lalaki 'yan. Huwag na tayong magplastikan. Ang mga lalaki, nagnanasa 'yan talaga. We are wired for that. Let's not be hypocrites," pagtatapos pa niya. 

Bukod kay Elago, nagpasaring rin si Topacio sa kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis kung saan sinabi niyang kaya nagpo-post ng bikini at sexy photos ang aktres ay para "pagnasaan" ng mga lalaki.

"Dugyot ka!" gigil na sagot ni Jasmine sa abogado.

The post Ferdie Topacio pinagnasaan si Sarah Elago: Naamoy ko noong hearing appeared first on Bandera.


Ferdie Topacio pinagnasaan si Sarah Elago: Naamoy ko noong hearing Ferdie Topacio pinagnasaan si Sarah Elago: Naamoy ko noong hearing Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close