Sunshine Garcia proud sa todo suporta ni Alex Castro sa SexBomb Girls: ‘Iba ka!’

VERY proud si Sunshine Garcia sa walang sawang suporta ng kanyang mister na si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa mga concert ng SexBomb Girls.
Sa social media kasi, nag-viral ang ilang video kung saan makikitang todo-cheer si Alex habang pinapanood ang mga ginanap na "Get Get Aw!" concert ng sikat na all-female pop group.
Kuwento ni Sunshine sa GMA Network, aminado raw sa kanya si Alex na noon ay hindi niya gaanong pinapansin ang SexBomb Girls kahit sikat na sikat ang mga ito noon.
Kwento niya, "Yung totoo, sabi niya, 'Mama, kilala ko ang SexBomb. Alam ko na sikat kayo. Nag-show na nga kayo dito malapit sa amin. Pero hindi ko kayo pinapansin kasi, huwag kang mao-offend, parang normal, yung pang-masa.'
Baka Bet Mo: Sunshine Garcia may hugot sa toxic, nakakasakal, one-sided na relasyon
"Pero nung napanood niya, yung buo, sabi niya, 'Hindi ko alam na ganyan pala kayo mag-show, mag-concert, mag-perform.' 'Tapos, lagi na siyang nanonood ng mga performance namin."
Ayon pa kay Sunshine, mas lalo raw siyang natutuwa dahil hindi lang siya ang sinusuportahan ng kanyang mister kundi pati ang mga kasamahan niya sa grupo.
"Yung support niya talaga, hindi lang sa akin, sa grupo na nandodoo, e. Nakita niya kasi yung iba na parang okay naman ang buhay. Yung iba, medyo sakto lang. Yung iba, medyo… 'di ba? So ngayon nakikita niya na na-level up na," chika pa niya.
Patuloy niya, "So sabi niya nga, 'Meron pa kayo ibang bansa. Iba na mama, hindi nakita maabot, ha, mag-ipon ka."
Samantala, bukod sa nalalapit na "rawnd 6" ng Get Get Aw! concert, nakatakda ring magtanghal ang SexBomb Girls sa iba't ibang probinsya at maging sa ibang bansa tulad ng America, Dubai, Abu Dhabi, at Australia.
Pero aminado si Sunshine na posibleng hindi na makasama si Alex sa karamihan ng kanilang shows abroad.
Paliwanag niya, "Parang sabi niya, 'Isang beses lang kita masasamahan.' Kasi, never pa 'yan, simula nu'ng natapos 'yung campaign, hindi siya nag-vacation talaga.
"Usually kasi nag-vacation kami para mag-reset siya. Ngayon, hindi pa siya nag-vacation. So, sinabihan niya naman ako na hindi siya makakasama sa lahat. Kailangan niya mag-work. At sabi ko rin naman, ano to, hindi na pwede kasi baka mamaya ma-issue pa."
The post Sunshine Garcia proud sa todo suporta ni Alex Castro sa SexBomb Girls: 'Iba ka!' appeared first on Bandera.

No comments: