Yukii Takahashi kasal sa iba kaya hiniwalayan ni Marco Gumabao, how true?

TRUE ba kaya naghiwalay sina Marco Gumabao at Yukii Takahashi ay dahil nalaman ng aktor na 'married' na ang status ng aktres?
Kamakailan lang ay mega-post si Marco sa kanyang social media accounts ng mga larawan nil ani Yukii kaya maraming natuwa dahil inisip na nalimutan n anito ang dating karelasyon.
Pero nagulat kami nang ibalita ni Ogie Diaz sa "Showbiz Update" vlog nila nina Mama Loi at Ate Mrena na hiwalay na sina Marco at Yukii.
Kaagad naming kinontak ang common friend namin ni Yukii at tinanong kung anong dahilan ng hiwalayan nil ani Marco at nabanggit ng ana nalaman ni Marco na hindi pa pala annulled ang kasal ng aktres.
Baka Bet Mo:
"Di pa kasi naayos 'yung annulment ni Yukii, kasal nga kasi siya, di ba? Hindi naman showbiz 'yung asawa niya kaya hindi naman nababalita saka hindi na rin naman binanggit ni Yukii 'yun kasi wala naman na talaga," bungad sa amin.
Medyo na-shock kami dahil nakapanayam pa namin noon si Yukii at mega kuwento siya tungkol sa buhay nila na siya ang breadwinner at dahil iniwan daw sila ng tatay niyang Japanese na sinubukan pa niyang hanapin pero hindi sila nagkita.
Kaya mega work daw talaga si Yukii para ma-provide ang pangangailangan ng pamilya at para rin sa planong ituloy ang kursong pagdu-duktor.
Sa halos isang oras namin siyang nakapanayam noong bagong pasok palang siya sa "FPJ's Batang Quiapo" ay walang bakas na may asawa na siya bukod pa sa nasabing wala siyang boyfriend dahil career ang priority niya.
"Bata pa kasi siya noong ikinasal siya, 18 years old at twice 'yun civil at church wedding," sabi pa ng aming kausap.
Hindi rin nabanggit kung ilang taon nang hiwalay si Yukii at ang estranged husband niya pero mukhang inaayos naman daw na mapawalang bisa ang kasal.
Wala ring ibinigay na detalye kung ano ang pagkakakilanlan ng asawa ni Yukii dahil nga hindi ito taga-showbiz at kung tagasaan.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Yukii tungkol sa isyung ito.
The post Yukii Takahashi kasal sa iba kaya hiniwalayan ni Marco Gumabao, how true? appeared first on Bandera.

No comments: