Robin Padilla binengga mga kabataan: ‘Sad to say, you are weak’

HINDI nakapagpigil si Sen. Robin Padilla sa paglalabas ng kanyang saloobin patungkol sa "kahinaan" ng loob ng henerasyon ng kabataan ngayon.
Ikinumpara ng action star at public servant ang ugali at personalidad ng mga bata noon kung ikukumpara sa generation ngayon na tinawag niyang "weak."
Nagsalita si Sen. Robin sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ngayong araw, February 11, at dito nga niya binengga ang mga millennial at Gen Z.
"Siguro naman 'yong iba dito hindi ko man kaedad e, naranasan n'yo 'yong panahon ng 90s at 80s na tayo ay naglalaro pa, masaya pa.
Baka Bet Mo: Robin Padilla, Bong Go hindi huhudasin ang minorya
"Ang mga bata po ngayon, sad to say, you are weak," ang pahayag ni Sen. Robin.
Dugtong pa niya, "Hindi kayo katulad noong panahon namin na hindi kami iyakin. Natuto kami sa kalsada. Natuto kami na huwag umupo at umiyak."
Nabanggit din ng beteranong aktor na hindi raw uso noong panahon niya ang salitang "depression" na isa sa karaniwang problemang kinakaharap ngayon ng mga kabataan.
"Hindi ko nga alam 'yon, e, kung ano 'yong depression. Ngayon, batang maliit sasabihin, 'I'm depressed,'" aniya pa.
Naging focus ng naganap na hearing ang usapin sa pagsusulong sa limitasyon ng mga bata sa paggamit ng social media dahil sa umano'y mga panganib na dulot nito sa kanilang mental and physical health
The post Robin Padilla binengga mga kabataan: 'Sad to say, you are weak' appeared first on Bandera.

No comments: