BREAKING NEWS

Anne Curtis sinagot isyu ng pananampal noon: I owned up to it

Anne Curtis sinagot isyu ng pananampal noon: I owned up to it

ISANG netizen ang kumuwestiyon sa TV host-actress na si Anne Curtis hinggil sa isang kontrobersiya na nangyari ilang taon na ang nakalilipas.

Ito ay matapos muling maungkat ang diumano'y sinabi niya noong "I can buy you, your friends, and this place" na talagang namang pinag-usapan noon.

Sa naging guesting kasi niya sa "Ang Walang Kwentang Channel" nina Direk Tonet Jadaone at JP Jabac napag-usapan kung saan sila nagkakilala ng asawang si Erwan Heusaff at doon na rin nalantad ang kuwento sa likod ng iconic line ni Anne.

Aniya, tinanong niya ang mga kaibigan kung totoo bang nasabi niya iyon nang gabing 'yun at ang hindi raw ito nagmula sa kanila.

Baka Bet Mo: Anne Curtis may natuklasan nang magpunta sa Siquijor, nakulam?

Ayon sa mga kaibigan ni Anne ay hindi niya ito sinabi ngunit dahil iconic ang linya ay "inangkin" na lang niya ito.

"Maraming nangyari nung gabing 'yon na hindi ko na lang sinabi kasi parang it makes no point. Bakit pa ako maglalaglag ng tao? Okay na 'yon kasi tingnan mo, ni-bless ako ni Lord ng bonggang-bongga sa nangyari," sey pa ng aktres.

At dahil nga naibalita ito ay agad na nag-viral at may isang netizen ang muling nagbaliktanaw sa isyung pananampal ni Anne noon sa tatlong katao kasama na ang aktor na si John Lloyd Cruz.

"So are you now claiming that JR Isaac-one of the three people you slapped, including John Lloyd Cruz-was lying, @annecurtissmith?

"Pretty and tisay privilege is real. If it were another female celebrity who did that, she would be forever labeled palengkera, squammy, and classless," sey ng netizen kay Anne.

Sinagot naman ito ng aktres at sinabing humingi na siya ng tawad sa nangyari noon.

Sey ni Anne, "Hilli, not completely… Some of what he said was true and years ago, I owned up to it, apologized to those involved (and also received an apoplogy back) but most importanly, I learned my lesson from it."

Aniya, napag-usapan lang naman ang naturang linya at ibinahagi niya lang kung ano ang napag-usapan nila ng mga kaibigan.

"I'm just talking about the famous line and what my friends told me. But you know what? It all happened ages ago and all those involved are in good terms so it doesn't matter anyway.. But anyway, line is so iconic so I'll just own it. Kaya ok lang sabihin nyo ng paulit paulit na sinabi ko. Ok na," dagdag pa niya.

The post Anne Curtis sinagot isyu ng pananampal noon: I owned up to it appeared first on Bandera.


Anne Curtis sinagot isyu ng pananampal noon: I owned up to it Anne Curtis sinagot isyu ng pananampal noon: I owned up to it Reviewed by pinoyako on February 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close