BREAKING NEWS

Will Ashley rumesbak sa nangba-bash sa height niya: Wala nang ibang mahanap?

Will Ashley rumesbak sa nangba-bash sa height niya: Wala nang ibang mahanap?

PINALAGAN ng Kapuso actor na si Will Ashley ang mga natatanggap na batikos kaugnay mg kanyang height.

Habang siya ay naka-stream at naglalaro ng online game, hindi na nakatiis ang binata at nagsalita na hinggil sa patuloy na nagsasabing hindi siya matangkad.

"Ginagawang pangkabuhayan 'yung pamba-bash. Wala na ba kayong ibang pam-bash, kun'di height ko?" saad ni Will.

Aniya, naka-move on na siya sa isyu ng kanyang height limang taon na ang nakalilipas kaya nagtataka siya kung bakit ito pa rin ang ibinabato sa kanya.

Baka Bet Mo: Will Ashley, Mika Salamanca totoong magdyowa na raw, bawal umamin?

"Diyos ko, five years na akong tapos d'yan. Wala na ibang mahanap?" sey ni Will.

Dagdag pa niya, "Anong magagawa ko ito lang binigay ni Lord."

Giit pa niya, ang pagiging versatile niya bilang artista ay mas importante kesa sa kanyang height.

Hirit pa ni Will, "At least binigyan ako ng [talents in] singing, dancing, acting, modeling din ako, gamer ako," 

"Compare mo 'yun sa height ko. One equals five? Anong gagawin ng height ko sa talents ko?"

Matatandaang minsan na rinv naikuwento ni Will sa isang episode ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab" na matagal nang tinitira ang kanyang height.

"Nakakaapekto sa akin before ay mga comments na, 'May itsura, magaling sana kaso kulang sa height,'" lahad ni Will.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang blessings para sa aktor dahil ngayon ay abala ito sa kanyang upcoming series na "The Secrets of Hotel 88".

The post Will Ashley rumesbak sa nangba-bash sa height niya: Wala nang ibang mahanap? appeared first on Bandera.


Will Ashley rumesbak sa nangba-bash sa height niya: Wala nang ibang mahanap? Will Ashley rumesbak sa nangba-bash sa height niya: Wala nang ibang mahanap? Reviewed by pinoyako on February 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close