Bilang ng Holy Week road crash accidents pumalo sa 1,091
INIULAT ng Department of Health (DOH) na umabot sa 1,091 ang bilang ng mga naitalang aksidente sa mga lansangan sa limang araw ng nakalipas na Semana Santa.
Ang bilang, sabi ni DOH spokesman Albert Domingo, ay mula noong Marso 29 o Linggo ng Palaspas hanggang noon lamang Huwebes Santo (Abril 2).
Ito ay base, dagdag pa ng opisyal, sa ulat ng 161 na pagamutan sa buong bansa sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa.
Nabatid na matapos ito ng 150% kumpara sa naitalang 437 na aksidente sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
Nilinaw ni Domingo na lumubo ang bilang dahil posibleng mas maraming ospital ang nagpadala ng ulat ngayon taon.
Pinakamaraming naitalang aksidente sa Central Luzon sa bilang na 196, kasunod ang 161 na naitala sa Davao Region at sa Ilocos Region naman ay 159.
The post Bilang ng Holy Week road crash accidents pumalo sa 1,091 appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 06, 2026
Rating:

No comments: