BREAKING NEWS

Mariel Rodriguez nagluluksa sa pagpanaw ng lola: My biggest cheerleader

Mariel Rodriguez nagluluksa sa pagpanaw ng lola: My biggest cheerleader

"LOLA…" ang tanging nasabi ni Mariel Padilla nang i-post ang larawan ng kanyang lolang si Ginang May Panlilio Sazon na sumakabilang-buhay nitong Pebrero 21 sa edad na 81.

Sobrang mahal na mahal ni Mariel ang Lola May niya na nanay ng mommy niyang si Gng. April Sazon Ihata na pumanaw naman noong Disyembre 23, 2023 sa edad na 58.

Noong nagsisimula pa lang si Mariel sa kanyang showbiz career ay lagi niyang ikinukuwento sa mga interview niya na lolo at lola's pet siya.

Bunso kasi siya bilang dalawa lang silang magkapatid sa ina na si Kaye Rodriguez-Garcia na lumabas dati sa shampoo commercial kasama si Drew Arellano.

Gong back to Mariel, sobrang proud ang Lola May niya dahil lahat ng showbiz events ng paboritong apo ay present siya kasama ang lolo ng TV host na si Ginoong Rafael Sazon.

Bukambibig din ni Mariel ang kanyang lolo't lola dahil sila raw ang nagpalaki sa kanya hanggang nakatapos siya ng pag-aaral dahil sa ibang bansa naka-base ang mommy niya na ilang beses na ring dumalaw ng Pilipinas at nakapiling ang mga apong sina Isabella at Gabriela.

Tanda pa namin na nagpa-house tour si Mariel sa bahay ng lola niya sa Alabang at marami itong alagang pusa at dito rin lumaki at nagkaisip ang dating PBB host.

Anyway, sa latest post ni Mariel ay pinasalamatan niya ang kanyang Lola May bilang caption sa mga larawang naka-post sa IG account.

Ani Mariel, "What a beautiful journey you had, Lola. I have been blessed with the most loving, most supportive, most thoughtful, most understanding, most appreciative and most caring grandmother. 

"I'm going to miss you sooo much. My biggest cheerleader will always be you. Thank you lola sa alaga at pagapapalaki samin ni ate. Words can never fully express how grateful I am."

Ang aming pakikiramay Mariel at sa inyong buong pamilya.

The post Mariel Rodriguez nagluluksa sa pagpanaw ng lola: My biggest cheerleader appeared first on Bandera.


Mariel Rodriguez nagluluksa sa pagpanaw ng lola: My biggest cheerleader Mariel Rodriguez nagluluksa sa pagpanaw ng lola: My biggest cheerleader Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close