ChiKapalaran (Feb. 23-March 1, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

HOW'S life so far, mga Ka-BANDERA! How time flies talaga, di ba? Matatapos na agad ang February pero ang tanong – OKAY ka ba d'yan!?
Oh, well, kahit na anong mangyari, tuloy pa rin dapat ang life and as always. Kaya narito na pa rin ang inyong resident charotera reader na magbibigay kulay sa inyong magulo ngunit makulay na buhay.
ARIES (March 21-April 19)
Uy, besh! Sana matutunan mo na ang life lesson na hindi lahat ng laban ay dapat sunggaban. Huwag masyadong matapang, dahil baka pagsisihan mo lang iyan sa huli.
Learn how to stop, huwag laging go nang go. Choose your battles!
Lucky Color: Chocolate Brown
Lucky Number: 10
Swerte Meter: 4 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
Tigilan na ang pagkamartir! Laban kung laban at huwag nang hayaan ang mga taong matagal nang nang-aapak at nang-aalipusta sa 'yo.
We won't choose peace this week. Warshock ang sagot sa lahat ng pangba-backstab! End your paawa era!
Lucky Color: Yellow Green
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 5 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Sinabihan ka na ng doktor na iwasan na ang lahat ng bawal dahil sa sakit mo. E, ang tigas pa rin ng ulo mo, kaya huwag magtaka kung lumala ang findings sa health issues mo last year.
Pero hindi pa huli ang lahat. There's nothing wrong in choosing yourself first, besh. Kaya sana pakinggan mo na ang daing ng katawan. Now na!
Lucky Color: Black
Lucky Number: 15
Swerte Meter: 3 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Kaloka ka! Huwag kang puna nang puna sa kamalian at kakulangan ng ibang tao. Hindi sa 'yo umiikot ang mundo kaya tigil-tigilan mo muna ang pa-main character mo.
Mag-self reflect ka muna this week dahil hindi na natutuwa ang mga person sa paligid mo. Character development naman sana this 2026.
Lucky Color: Pink
Lucky Number: 21
Swerte Meter: 2 Stars
LEO (July 23-August 22)
Yes! You're learning your lesson na friendship! It's important na marunong ka na ring makinig sa sinasabi ng iba hindi yung puro ikaw na lang ang bida-bida.
Good job ka d'yan! Keep up the good work. Clap clap clap mga 20 times.
Lucky Color: Violet
Lucky Number: 50
Swerte Meter: 5 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
This is the moment, sabi nga ni Erik Santos! Kahit little steps lang, mararating mo rin ang inaasam na tagumpay. Huwag kang magmadali.
Darating rin ang panahon na tulad nila, makukuha mo rin ang gusto mo. Sa ngayon, trust the process and He will crown your effort with success!
Lucky Color: Navy Blue
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 4 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
There's always time para makipagbiruan. Hindi lahat same ng humor mo. Pakiramdaman muna ang paligid bago pumanchline.
Masyado ka na kasing nagiging comfortable sa mga taong nasa paligid mo, pero hindi mo knows nakaka-offend ka na dahil sa mga jokes mo.
Lucky Color: Beige
Lucky Number: 32
Swerte Meter: 2 Stars
SCORPIO (October 23-November 21)
Ito na ang tamang panahon para harapin at labanan ang matagal nang bumabagabag sa iyo. Go, besh! Huwag mo nang pag-isipan. Deadma sa bashers!
Kung anuman ang maging resulta, e di no regrets. Life is short. Go and do things that will spark joy and happiness. Buhay mo naman yan!
Lucky Color: Lilac
Lucky Number: 29
Swerte Meter: 4 Stars
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Huwag patatalo sa mga taong traydor at naninira sa iyo. Pagsubok lang yan ng universe at hindi tayo pinalaki ng SexBomb para bumawi – laban lang nang laban! Ayaw ni Alvin Aragon ng ganyan!
Oras na para harapin ang mga bagay na laan para sa 'yo ng universe. Let's go and start your beautiful journey! Mahal ka ni Lord!
Lucky Color: Orange
Lucky Number: 27
Swerte Meter: 5 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
May matatanggap na good news this week – pwedeng bonus o isang offer na matagal mo nang pinapangarap.
Basta paghandaan mo lang and don't self-sabotage. May history ka pa naman ng ganyan. Deserve mo yan! Deadma sa mga inggitera dahil isa kang certified kabogera!
Lucky Color: Bloody Red
Lucky Number: 35
Swerte Meter: 5 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Kapag inggit, pikit! Tandaan mo besh, hindi dapat mainggit sa mga taong masaya sa life at sa achievements ng iba. Maging happy ka na lang para sa kanila unless may ginawa silang masama para magtagumpay – may karma yun!
Well, darating din ang para sa 'yo, just learn how to make abangers sa swerte at blessing na para talaga sa yo.
Lucky Color: Green
Lucky Number: 1
Swerte Meter: 4 Stars
PISCES (February 19-March 19)
Okay na okay ka this week dahil lahat ng aspeto ng life ay papabor sa yo kung hindi ka mag-iinarte at gagawin lahat ng makakaya mo.
Hindi naman kasi nade-define ng isang setback sa buhay ang mga achievements na nakamit mo in the past at lalong lalo na in the future.
Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 38
Swerte Meter: 4 Stars
Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito.
The post ChiKapalaran (Feb. 23-March 1, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo appeared first on Bandera.

No comments: